Sa July 2, Biyernes, ng 7 p.m. na magsisimula ang romcom series ng WeTV ang Boyfriend No. 13 na produced ng APT Entertainment.
Kuwento ng direktor nito na si John ‘Sweet’ Lapus, na-excite na raw talaga siya nang mabasa niya ang storyline, lalo nang mabuo na ang script.
Napaka-smooth pa raw ng takbo ng lahat, hanggang sa lock-in taping nila na happy set lang daw talaga sila.
Dagdag na kuwento ni direk Sweet; “When they present to me the storyline and the script, given na ‘yung sa cast na sina Sue (Ramirez) at JC Santos. Talagang nahirapan kami dun sa role ni Don Lee. Nung binabasa ko ‘yung script, sabi ko ‘teka ano ‘to kamukha to ni Ken na ka-loveteam ni Barbie na tingin mo pa lang maglalaway ka na talaga ‘yung ganun na parang nabi-visualize ko, sabi ko sa kanila para tapos na, mag-JC de Vera na tayo. Pagsamahin na natin ang dalawang JC na pilit iniiwasan ng ilang productions, dahil magkapangalan sila.
“Naka-standby na ako na ‘pag hindi siya pinayagan, tatawagan ko ang kataas-taasan ng network na ‘yun para makuha lang namin si JC de Vera.
“Nailaban ko talaga siya ay nag-agree ang buong produksyon.
“’Pag gusto mo talaga at dinasal mo, na-achieve mo.”
Thankful siya sa APT dahil binigyan daw siya ng laya na i-inject ang ilang gusto niyang mangyari sa series na ito. Nadagdagan niya ng comedy ang isang napaka-romantic na kuwento.
“Romcom siya na kakaiba, bago, clever, witty and at the same time ginawa isang series na kailangan ngayon na panahon ng pandemya, malungkot tayo, aligaga, stressed.
“Visually, ‘yung vision ko at ng production people na nakakatawa siya, nakakakilig and at the same time mai-in love ka ‘pag pinanood mo,” masayang tsika ni direk Sweet.
Anjo, nirespeto ang pagkakatanggal
Kinumpirma sa amin ni Anjo Yllana na tinanggal raw siya sa programang Happy Time ng Net 25.
Ngayon lang niya inamin sa amin na meron palang conflict sa kanila sa hosts at napagdesisyunan ng management na tanggalin na lang siya.
Ayon sa kuwento ni Anjo, nagsimula raw ito sa lock-in taping ng naturang.
Niyaya raw siya nina Boobsie na mag-inuman pero tumanggi siya dahil hindi naman daw talaga siya umiinom, at bawal pa iyon sa lock-in taping.
Hindi naman daw nahuling may inuman, pero nakita raw na may nakatagong alak si Boobsie.
“Siyempre, sumama ang loob nila dahil nahulihan siya na may alak nung gabing iyon. Hindi lang siguro nila nakita na merong inumang nangyari nun,” dagdag niyang pahayag.
May lumabas pang kuwentong binu-bully raw ni Anjo si Boobsie, pati ang ibang dancers.
Itinanggi ito ng comedian/TV host.
Sinubukan kong magpadala ng mensahe kay Boobsie para klaruhin ang isyung ito. Pero hindi siya sumagot.
Nirerespeto naman daw ni Anjo ang desisyon ng management, at nagpapasalamat pa rin siya na naging bahagi siya ng programang ito.