Nagpapaalam. Pinapalaya. Pinapaubaya ka na sa Kanya.” Iyan ang mensahe ng binagong lyrics ng awiting Paubaya ni Moira dela Torre, sa requiem mass na inalay sa dating Pangulong Noynoy Aquino na ginanap sa Church of Gesu sa Ateneo de Manila nung nakaraang Biyernes ng gabi.
Ni-relyric nina Moira at Kris Aquino ang sikat na awiting Paubaya at kinanta na rin ni Moira sa accompaniment ng asawa niyang si Jason Hernandez.
Mahilig sa musika ang pumanaw na pangulo ng bansa at isa sa pinakaporito niyang kanta ay ang Minsan ang Minahal ay Ako mula sa musical play na Katy.
Si Jaya ang kumanta nito, na pinasamalatan ni Kris dahil last minute na pinag-aralan daw ito ng Soul Diva at first time lang niyang kantahin.
Kuwento sa amin ng kaibigan naming si Bernard Cloma na nagtagal sa burol nung Biyernes, nandun daw ang dating QC Mayor Herbert Bautista na laging sinasamahan si Kris.
Kahapon naman, eksaktong alas-diyes ng umaga ay nagkaroon muna ng internment mass para sa dating pangulo, na ang nag-officiate ay si Most Reverend Socrates Villegas na malapit sa pamilya Aquino, kasama ang ilan pang pari.
Isa sa maagang dumating ay ang Bise Presidente Leni Robredo at ilan pang pulitiko.
Bago nagsimula ang misa ay nagbigay ng ilang awitin si Noel Cabangon na isa rin sa madalas na kumakanta sa ilang events ng dating pangulo.
Napansin ang pagdating doon ni James Yap.
Ayon sa ilang reporters ng DZRH na napagtanungan ko, nasa likod lang daw tumayo si James para makinig ng misa. Katabi niya si Mr. Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation na halos kasabay lang daw niton dumating.
Nilapitan si James ng ilang reporters para kapanayamin pero tumanggi itong magpa-interview.
Parang hindi sila nagkita ni Kris at kahit si Bimby na nasa harapan nakaupo, dahil pagkatapos ng misa ay umalis din daw ito agad. Pero ang kuwento naman ni Bernard Cloma sa amin, kausap daw niya si James na sumabay raw sa convoy papuntang Manila Memorial Park.
Kakai, tameme na kay Mario
Iba ang closeness ng grupo ng Dears na tawag ng First Yaya ladies na sina Sanya Lopez, Kakai Bautista, Maxine Medina, Cai Cortez, Thia Tomalia at Analyn Barro. Hanggang ngayon ay patuloy ang komunikasyon nila at nakita naman sa nakaraang mediacon na miss na miss na nila ang isa’t isa.
Si Kakai Bautista ang leader nila na ‘Tyang ang tawag nila. Si Kakai ang kaagad na nagtatanggol sa kanila kapag merong namba-bash sa kanilang grupo o isa man sa kanila.
Thankful nga si Sanya na nandiyan agad si Kakai na sumasagot sa ilang bashers, dahil deadma lang daw siya at hindi na lang niya pinapansin.
Sabi naman ni Kakai, minsan daw sa mga sagot niya ay sarcastic na ang sagot niya kaya ang dating daw sa iba ay pinapatulan na niya itong bashers.
Pero pagdating sa sarili niyang isyu ay tikom ang bibig ni Kakai. Hiningan namin siya pahayag sa nakaraang isyu niya kay Mario Maurer. “Mananatili akong walang masasabi dahil sa tingin ko wala na akong gustong sabihin kasi kuntento na ako sa buhay ko ngayon, masaya ako and yun lang. Gusto ko lang maging masaya and I just want to celebrate life everyday and katulad nga ng sinabi ni Cai (Cortez) ‘yung mga hindi nakakaganda at hindi nakakayaman sa atin at hindi nakakatulong sa ating mental health, babu! Delete ‘yan sa buhay natin ngayon and I’m so grateful na may First Yaya ako na show. I have a family here and I don’t have enough space for negativities.”
Isang linggo na lang ay matatapos na ang First Yaya at papalitan na ito ng The World Between Us.
Anak ni Bitoy, pasok na sa AOS
May bagong segment ngayong araw sa All-Out Sundays tampok ang mga bagong mukha ng GMA Artists Center. Ito yung Fresh Young Peeps, at ang unang batch na ipapakilala ay sina Pamela Prinster na galing StarStruck, ang anak ni Michael V na si Brianna Bunagan, Shemee Buenaobra na galing The Clash, Gabrielle Hahn at si Sandro Muhlach na anak naman ni Nino Muhlach.
Naikuwento sa amin ni Sandro na okay naman daw ngayon ang Daddy Onin niya at ang kanyang Mommy na may ibang pamilya na sa Amerika.
Hindi rin naging maganda noon ang isyu ng magulang ni Sandro, nung panahong itinatago siya ng kanyang Mommy sa kanyang Daddy. Pero ngayon ay okay na raw sila. “They’re friends. Nag-uusap naman po sila about me,” pakli ni Sandro.
Mas bonding na raw sila ngayon ng half-brother niyang si Alonzo. “Nakita ko naman pong lumaki si Alonzo, ang we’re really closed na magkapatid. Kasi malaki po ang age gap namin, pero kapag magkakasama kami, we’re really closed,” dagdag niyang pahayag.
Hindi naman daw pinigilan ni Michael V si Brianna nang nagpaalam itong papasukin din ang showbiz. “Sinabihan lang nila ako na be prepared for a lot of criticisms, be open to learning and just be prepared for…na baka ma-burnout ako.”
Si Pamela naman ay na-intrigang nililigawan raw noon ni Andre Paras dahil sa nagkasama sila sa That’s My Amboy. Na-link din siya kay Edgar Allan Guzman, na itinanggi naman niya. “Matagal na kaming magkakakilala. But nothing romantic,” pakli ni Pamela. “Kasi siguro po, we both have a very similar sort of family life. Same humor, same likes, dislikes. But, you know I look up to him as my kuya and I’m like his little sister,” dagdag niyang pahayag.
Hindi rin daw totoo ang pagka-link niya noon kay Edgar Allan Guzman.