^

PSN Showbiz

Annabelle wish na ‘wag lokohin si Ruffa! May new lovelife na?

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Annabelle wish na ‘wag lokohin si Ruffa! May new lovelife na?
Ruffa
STAR/ File

Janice hinahanapan ng dyowa

Hinahanapan pala ni Ruffa Gutierrez ng boyfriend si Janice de Belen.

Hahaha. As in feeling cupid siya kay Janice na sabi raw kasi sa kanya ay ayaw na uling mag-boyfriend.

Bonding-bonding ang dalawa lately at nang sabihin nga raw ‘yun ni Janice na ayaw na uli niyang makipag-relasyon, parang nag-panic si Ruffa kaya nag-promise niya na ihahanap niya ito ng boyfriend na foreigner.

Eh si Ruffa, loveless din ngayon.

Ayaw kasi niyang aminin ang tungkol sa isang ex politcian na nali-link sa kanya.

Pero sa birthday post ni tita Annabelle Rama para kay Ruffa the other day parang meron naman at ang wish pa nga nito, ‘wag lokohin ang anak.

Ito ang wish ni tita Annabelle :  “Happy B-day Ruffa. I wish you Good Health, wealth and contineous happines. Kaya ka sineswerte ngayon dahil binasura mo na ang negative people around you. Alam kung inspired ka ngayon sa B-day mo. Sana hindi ka niya lolokuhin. Mas lalo kang swertihin pag pinaalis mo na ang asungot sa buhay mo. Don’t forget to pray everyday and every minute, take care of Lorin & Venice mga teenagers na sila. Prioritize them. Take care, stay safe & God bless you!!!”

Regular na napapanood ngayon si Ruffa sa It’s Showtime as judge ng Reina ng Tahanan segment. At nag-e-enjoy daw talaga siya dahil ang dami niyang natutunan.

Actually, may offer daw siyang dalawang teleserye pero mas gusto pa rin niya sa Showtime sabi niya sa chance chikahan namin kahapon sa Bambbi Fuentes Salon. Si Bambbi ang hair and make up artist ni Ruffa sa Showtime. At dahil natural ang beauty ni Ruffa, walang retoke ang face, so ang bilis niya lang ayusan.

Hindi siya katulad ng ibang artista na hirap ang mga make-up artist dahil ang daming kailangang ilagay na foundation para maging flawless.

Anyway, admitted si Ruffa nag-a-adjust pa rin siya sa kanyang studies. At may ilang part na nahihirapan siya. Currently enrolled siya sa The Philippine Women’s University  - Bachelor of Arts Degree majoring in Communication Arts under the Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP).

Four years supposedly ang nasabing kurso, pero dahil sa nasabing program, after a year ay matatanggap na niya ang kanyang diploma.

Forty seven years old na si Ruffa the other day pero sabi nga niya “You’re never too old to chase your dreams.”

Happy birthday Ruffa.

Italian partner nakiramay James nagpasalamat sa pagiging ‘nice’ Ni PNoy!

Walang update si James Yap kung bumisita ba siya sa wake ni former President Noynoy Aquino na pinasalamatan niya sa kanyang post. “Rest in peace President Noynoy Aquino.. Thank you for being nice to me. You will be missed.”

Matapos kasi niya itong i-post, maraming nagpayo na bumisita siya bilang respeto at para na rin kay Bimby.

Maging ang Italian partner ng ex-husband ni Kris na si Michela Cazzola ay nag-condole sa pamilya Aquino. “Condolences, Kris. Had the honor to work with your brother’s administration. Am sorry to hear about the sad news.”

Naalala rin ng followers ni James, lahat ng fans niya sa PBA noong sila pa ni Kris ay sinasabi niyang iboto si PNoy.

Matagal nang annulled ang marriage nina Kris and James.

 

JANICE

RUFFA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with