^

PSN Showbiz

Erich, laging inaalala si God

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Erich, laging inaalala si God
Erich
STAR/ File

Masayang-masaya si Erich Gonzales dahil pagkatapos ng tatlong taon ay muli siyang mapapanood sa isang teleserye.

Magbibida ang aktres sa La Vida Lena na mapapanood na simula ngayong Lunes sa Kapamilya Channel.

Ayon sa dalaga ay talagang kaabang-abang ang mga eksena at istorya ng bagong programa. “Siguro lahat naman tayo marunong magmahal. Nasaktan na rin tayo sa buhay natin. Hindi naman ‘yon maiiwasan. Pero challenge for me every time na gumagawa tayo ng project is kung paano rin mapapahiwalay ‘yung totoong ako sa character na pinoportray ko. Ang kagandahan dito sa kuwento, is, it is relatable talaga siya sa lahat not just for me but sa lahat ng manonood. ‘Di ba lahat tayo nagmahal, nasaktan, natutong bumangon. Hindi pa kasi personally nae-experience ‘yung kagaya ng roles ko pero kahit na anong mangyari sa kahit anong sitwasyon. Lagi kong pinipili na maging mabuti na lang at saka intindihin na lang ‘yung ibang tao siguro. Let’s just be kind. Bahala na si God,” makahulugang pahayag ni Erich.

Dahil matagal na hindi napanood sa telebisyon ay talagang pinaghandaan ng aktres ang kanyang pagbabalik sa trabaho. “Sa bawat project na pinapagkatiwala sa atin, I make sure na pinag-aaralan natin ‘yon and hindi siya naging mahirap kasi napakagaling ng mga director natin. Nandiyan sila to guide me and ‘yung mga co-actors ko so tulungan kami do’n,” pagtatapos ng dalaga.

Kabilang din sa bagong serye ni Erich sina Carlo Aquino, JC de Vera, Kit Thompson, Sofia Andres, Janice de Belen, Agot Isidro, Raymond Bagatsing, Christian Bautista, Pen Medina at marami pang iba.

Ate Vi, hinikayat magpabakuna ang lahat

Sa pamamagitan ng isang video ay hinikayat ni Congresswoman Vilma Santos-Recto ang bawat isa na magpabakuna laban sa COVID-19. Ipinaliwanag ng actress-politician sa kanyang post sa Instagram ang kahalagahan ng bakuna para sa lahat ng mamamayan. “Mga kababayan, magpabakuna na po tayong lahat. Ang vaccine po ay para sa ating kaligtasan at hindi po ito dapat katakutan. Ililigtas po tayo nito sa pandemyang COVID-19. Kaya huwag na po tayong mag-atubili na magpabakuna,” paglalahad ni Ate Vi.

Iginiit pa ng Kongresista na hindi lamang para sa sarili ang pagiging protektado dahil sa bakuna kundi para sa pamilya at sa buong bansa. “Do it for yourself, for your family, for your community and for our country. Kaya magparehistro na po kayo at siguraduhin po na magpabakuna. Malalampasan din po natin ang pagsubok na ito,” dagdag pa niya. (Reports from JCC)

ERICH GONZALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with