^

PSN Showbiz

Komedyante't host na si Shalala patay sa pulmonary TB

Philstar.com
Komedyante't host na si Shalala patay sa pulmonary TB
Litrato ng kilalang komedyante't host na si Shalala
News5

MANILA, Philippines — Pumanaw na mula sa pulmonary tuberculosis ang beteranong komedyante't radio/TV host na si Shalala, pagkukumpirma ng kanyang kapatid na si Anthony Reyes.

Ani Anthony sa panayam ng GMA News, umaga ng Miyerkules nang bawian ng buhay ang kanyang kapatid, na nakilala sa entertainment industry kasama ni German "Kuya Germs" Moreno. "Napapaiyak po ako," wika niya habang ikwinekwento ang mga huling sandali ng kapatid.

Na-confine pa lang sa National Kidney Institute noong nakaraang linggo si Shalala (Carmelito Reyes) dahil sa sakit, ngunit pinalabas din matapos umigi ang lagay. 

Sa kabila nito, muli siyang isinugod sa Fe Del Mundo Medical Center sa Quezon City noong Martes.

Kanina lang ay humihingi pa ng panalangin at tulong pinansyal ang kaibigan niyang si Marivic Nieto para maisalba ang buhay ni Shalala.

"My dear friends I would like to ask your prayers for my dear Kumare/amiga and BFF Tolits Shalala Reyes who is now fighting for his life in the ICU Unit of Fe Del Mundo Medical Center in Banawe Quezon City," wika ni Nieto.

"[Y]our prayers and any donations will be greatly appreciated to help him and his family."

Nakilala noon si Shalala sa kanyang pagpapatawa sa ilang tanyag na palatuntunan sa TV at radyo, gaya na lang ng "Walang Tulugan with the Master Showman" sa GMA-7. Nagtrabaho rin siya noon sa TV5 at naging anchor sa early morning show na "Todo Bigay" sa Radyo Singko.

Lumabas din siya noon sa ilang pelikula gaya ng "Ang Darling Kong Aswang" (2009), "Agimat at Enteng Kabisote" (2010), "My House Husband: Ikaw Na" (2011) at "Echosering Frog" (2014). — James Relativo at may mga ulat mula sa News5

SHALALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with