^

PSN Showbiz

Joshua, nagbayad para maging magaling na aktor

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joshua, nagbayad para maging magaling na aktor
Joshua

Noong nagsisimula pa lamang sa show business ay matumal ang dating ng mga proyekto para kay Joshua Garcia. Taong 2014 nang magsimula ang binata bilang housemate sa Pinoy Big Brother. Mula  noon ay nagtuluy-tuloy na sa pagiging artista si Joshua. Nagdesisyong mag-workshop noon ni Joshua sa pamamahala ng batikang aktor na si Pen Medina upang maging magaling sa pag-arte. “Nagsimula ‘yung pagmamahal ko sa acting noong isang taon na ako sa showbiz. Dumaan kasi ako sa parang walang trabahong binibigay sa akin. Napapalitan ako ng ibang artists. Ginawa ko no’n nagpa-workshop ako kay tito Pen Medina. Ako talaga nagbayad, kahit wala pa akong pera no’n masyado, nagbayad ako,” kwento ni Joshua.

Isang araw lamang ang nangyaring acting workshop ng binata at talagang namangha sa angking talento ni Pen sa pag-arte. “Gumawa siya ng scenes sa akin, nagbilang lang siya 1 to 10. Tapos pagdating ng 10 umiiyak na siya bigla, ang galing, sobrang solid siya magturo,” pagbabahagi ng aktor.

Mula noon ay pinagsumikapan na ni Joshua ang trabaho upang maging isang magaling na aktor. “Sa umpisa pa lang talaga mahirap, kasi siyempre hindi ko talaga gusto ang acting before. ‘Yon ‘yung example na minahal ko lang talaga siya kaya naging para sa akin,” giit ng binata.

Kyle inamin kung bakit naging bala ni Francine!

Ngayong araw ay ipinagdiriwang ni Kyle Echarri ang kanyang ika-18 kaarawan. Mayroong mensahe ang katambal na si Francine Diaz para sa aktor. “Happy 18th Birthday! Grabe! Ang tanda mo na talaga. wish ko sa ‘yo para sa birthday mo siyempre palagi kang healthy, and hindi mawala ‘yung happiness na meron ka ngayon. Alam kong masaya ka at sana mag-stay ‘yon sa ‘yo forever dahil ang ganda-ganda tingnan sa ‘yo ng happiness na ‘yan, Kyle. Nakaka-proud ka sa lahat ng mga ginagawa mo, and of course sa lahat ng maa-achieve mo sa buhay. Know that I’m always proud of you. See you soon, Bala! God bless you more,” mensahe ni Francine kay Kyle.

Taong 2018 noong unang nagkakilala at nagkatambal ang dalawa. Marami ang nagtatanong kung bakit naging ‘Bala’ ang tawag ng aktres kay Kyle. Naikwento naman ng aktor kung paano nagsimula ang kanilang tawagan. “Ang nangyari po kasi, isang gabi tinanong ako ni Francine, gusto niya mag-nickname kami. So di ko alam kung anong unang sinabi ko, pero sabi niya sa ‘kin, dahil ang weird nang sinabi ko, ‘Ba’la ka diyan.’ Sabi ko, ‘Ah, Bala na lang.’ Sabi niya, ‘Bakit?’ Napaisip ako kung sasabihin ko na ‘Ba’la ka diyan’ ‘yung naisip ko, magagalit. So I thought for five seconds. Sabi ko, Bala, so ‘yon, Bala,” nakangiting kwento ni Kyle. Reports from JCC

JOSHUA GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with