Ate Vi, mas priority pa rin ang pamilya!

Vilma

Talagang firm si Vilma Santos na hindi siya kakandidato sa mas mataas na puwesto sa 2022.

Ang dami nang humihimok sa kanya pero ayaw niya talaga ang posisyon ng Vice President. Baka sa Senatorial puwede pang pag-isipan ni Vilma dahil matagal na rin naman ang experience niya sa legislative, at hindi rin kasing dami ng trabaho ng VP.

Talagang ayaw pa rin ni Cong. Vilma na mawalan ng oras para sa pamilya, dahil part pa rin ng buhay niya ang pagiging Mrs. Ralph Recto at nanay nina Luis at Ryan Christian.

Totoo na nasa politics siya pero ang pagiging mother and wife ang priority niya.

Hanga ka nga sa time management ni Vilma dahil talagang nagagawa niya ang lahat ng trabaho nang mahusay at walang nagsa-suffer.

Bongga si Vilma Santos, multi-awarded sa pelikula, at nang pasukin ang pulitika, maganda pa rin ang naging record.

Tunay na pinagpala siya dahil talagang kahit anong pasukin niya, winner siya.

Mayor Isko, may paramdam na sa pagkandidato sa susunod na taon

Meron namang pahaging na baka sa darating na eleksiyon, tumakbo na sa laban para sa Presidente si Mayor Isko Moreno. Well, kung talagang handa na siya, why not?

Marami ang nagsasabi na susuporta sa kanya, marami ang nag-uudyok para tumakbo siya, magaling ang kanyang right hand man na si Cesar Chavez, kaya ano man ang maging desisyon ni Mayor Isko, meron siyang fighting chance.

Who knows kung ito na ang hinahanap nating pagbabago. Malay natin ito na ang hinihintay ng lahat na magbibigay ng tamang sagot sa mga problema na hinaharap natin.

Kung ano man at sino man, basta mahal ang bayan natin at handang maglingkod para mapaganda ang Pilipinas, welcome.

Kahit sino, nasa kanya ang desisyon kung ano ang puwede niyang ibigay para sa bayan natin.

Si Mayor Isko na ba ang sagot? Puwede. Maaari. Bayan ang magbibigay ng desisyon. Kaya naman lahat ay naghihintay.

Sino ang dapat ilagay. Sino ang dapat umupo. Sino ang magiging Presidente natin.

 Isipan nating mabuti. Itanong nang mabuti sa puso at utak.

Show comments