Pacquiao tutulong para makalikom ng $1 million
Para ba sa 2022 ito?
One million US dollars ang target ng Filipino American Voice United (FAVU) sa kanilang fundraising concert event titled Isang Tinig, Isang Lahi, with Ms. Cory Quirino as project chairperson.
In peso, almost P49 million ang nasabing halaga ha.
Ayon kay Ms. Cory, nung una ay wala silang target amount dahil ang plano nila ay unlimited ang ipunin nila para mas marami silang matulungan ngayong panahon pa rin ng pandemya.
Kasama sa mga performer ng Isang Tinig, Isang Lahi, si Sen. Manny Pacquiao. Yes, makikipagsabayan siya sa mga mahuhusay na singer na naka-line up mag-perform tulad nina Regine Velasquez, Lea Salonga, David Pomeranz, Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Apl.de.Ap., Pilita Corales, Moira dela Torre, Bamboo, Ian Veneracion and Jose Mari Chan at mga sikat na loveteam ng Star Magic tulad nina Enrique Gil/Liza Soberano and Daniel Padilla /Kathryn Bernardo.
Kabilang sa beneficiaries ng proyektong ito ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc., Philippine General Hospital, Caritas Philippines, Philippine Relief and Development Services, and Tuloy Foundation, Inc.
Nang tanungin namin si Sen. Manny kung anong extent ng participation niya sa nasabing fundraising dahil may nagsasabing baka diumano bahagi na ito ng kanyang paghahanda sa 2022, sinabi nitong inspiration lang ang kanyang ibibigay at kakanta nang dalawang beses. “Ang participation ko rito is, isa lang po ako sa nagbibigay ng inspirasyon sa ating mga kababayan at ang intention natin is para makatulong tayo sa mga nangangailangan.”
At bakit siya nag-decide na maging bahagi nito? “Alam mo, this event is so unique. For the first time magkakaroon tayo ng online concert at malaking bagay ‘to at karangalan,” sagot niya.
Kasabay kasi ito nang sinabi ng party-mate niyang si Sen. Aquilino Pimentel III na si Pacquiao ang “president that we need.” at “been preparing for this possibility kung madi-declare nga ito ng kandidatura niya sa October.”
Pero walang binanggit si Pacman tungkol dito sa nasabing interview. Magkakaalaman na sa October kung sino ba talaga ang mga kakandidato.
Anyway, libre ang gaganaping concert na ito, 8 p.m. on June 26 and 10 a.m. on June 27. sa ktx.ph.
Mga Pinoy abroad ang inaasahang magpa-participate at magbibigay ng malaking halaga para makalikom ng $1 million.
- Latest