Jomari, gustong makuha ang mga anak?!

Jomari

Kaloka ‘yung mga comment tungkol sa Instagram account ko sa nag-uumpisa na namang very public na paghingi ng sustento ng ex ni Jomari Yllana.

Hindi talaga nila makuha na kung talagang inilalaban mo ang karapatan mo bilang isang babae, dapat meron kang pride pagdating sa usapin ng sustento. Iyon bang naghiwalay tayo, kinuha mo ang mga bata, dapat ipakita ko rin na kaya mo ito. Maghihirap ka, oo dahil nga financially hindi mo kaya, pero ‘di ba itatanong mo rin sa sarili mo, inako ko ang pag-aalaga ng mga bata, so dapat kayanin ko. Ipapakita ko na kaya ko. Kasi ‘pag hiwalay na kayo, hindi na siyempre maiwasan ang mga pagbabago, puwedeng kaya ka niya pinahihirapan sa pera dahil gusto niyang i-give up mo ang pag-aalaga sa mga bata at sa kanya mapunta. Puwede ring baka nang-iinis siya at gusto na nakikita na heto hirap kang manghingi at siya ang may hawak ng pera.

Ang sakit yata sa pride ‘yung para kang pulubi na hini­hingi ang dapat na sustento mo para sa mga bata, lalo pa at sabihing publicly na naputulan kayo ng ilaw dahil walang pamba­yad. Hindi ba ang yabang nating mga babae na humihingi ng pantay na paggalang sa ating karapatan, so ipakita rin natin na ‘yung kaya mo, kaya ko rin. Na kahit wala kang ibigay, mabubuhay kami, konsensiya mo na tinatakasan ang responsibilidad mo, pero hindi mo kami kayang idapa.

Iyon lang ang punto ko, bigyan din natin ng dignidad ang sarili natin, puwede namang singilin ‘yung dapat niyang ibigay, pero hindi ako mapuputulan ng ilaw, hindi magiging miserable ang mga anak ko, dahil gagawa ako ng paraan para ipakita sa iyo na kahit hiwalay na tayo, may respeto ako sa sarili ko na hindi ako magiging pulubi na nanghihingi sa iyo, lalo na para sa mga anak ko. Period.

Bong, hindi pa rin kayang itaob!

Hanggang 2025 pa ang term ni Bong Revilla as senator. Hindi niya gustong sumali ngayon sa para bang agawan sa sino ang gustong kumandidato sa ganito at ganung puwesto. Gusto niya munang tulungan ang political plans ni Jolo Revilla na ang galing ng transformation at growth sa pagiging newbie politician noong una pero ngayon ay marami nang alam sa mga batas at mga bagay-bagay na makakatulong sa mga taga-Cavite.

Haharapin din ni Bong Revilla ang projects na binuksan niya noon pa para sa maraming probinsiya aside from Cavite. Very hardwor­king at very focus si Bong sa pagharap sa kanyang pagiging senador. Kaya nga gusto rin niya na dito muna naka-focus ang paningin niya sa ngayon.

At least may outlet din ang kanyang acting juice sa Agimat ng Agila na binibigyang oras din niya dahil miss niya ang kamera.

Ok na ang lahat after ng bumpy road na pinagdaanan niya, at higit sa lahat nagbigay-aral sa kanya tungkol sa mga dapat iwasan dahil hindi lahat ng tao ay mapagkakatiwalaan.

At sabi nga, you can never put a good man down, at perfect example si Bong dun.

Show comments