Lani hindi na inaalalayan ‘pag kumakanta!
Reliable ang source namin na nagsabing done deal na raw ang pagpasok sa GMA 7 nina Mr. Johnny Manahan at Ms. Mariole Alberto. Hindi lang maidetalye ng aming source, basta abangan na lang daw ang mga susunod na magaganap sa susunod na linggo.
Ang isa lang sa nabalitaan namin ay ihaharap daw sa media si Pokwang sa darating na linggo, bilang bagong talent ng GMA Artist Center. Malaki raw ang posibilidad na nandun na sina Mr. M at Ms. Mariole sa pagpapakilala kay Pokwang.
Maaaring ia-announce na rin na bahagi ang komedyana sa bagong sitcom na Unang Kuwento nina Michael V. at Manilyn Reynes.
Ilan GMA executives ang tinanong ko tungkol dito sa pagpasok nina Mr. M at Ms. Mariole, at isa lang ang sumagot sa akin ng; “Hintayin na lang natin kung magkaka-announcement (3 tongue out emoticons).” Hindi ko lang alam kung ano ang ibig niyang sabihin, pero sabi ng aming source, maaaring may mababago sa setup ng GMA Artist Center dahil sa pagpasok nilang dalawa.
Ang isa pang inaasahang posibleng mangyayari ay ang pagpasok ng ibang sikat na Kapamilya stars na loyal kay Mr. M.
Isa na nga rito si Piolo Pascual. Posibleng matutuloy na rin daw ang program na gagawin ni John Lloyd Cruz na ipu-produce ni Willie Revillame.
Samantala, nilinaw namin sa ilang taga-All Out Sundays kung meron bang bagong lipat na stars na makakasama sa live show nila sa darating na Linggo. “Darating po tayo diyan. Not this Sunday, but soon po, they’re line up already,” sagot sa akin ni Ms. Ruth Marinas, ang Senior Program Manager ng AOS.
Welcome na welcome raw silang lahat sabi naman ng Kapuso stars na bahagi ng programa. “I felt the love and care instantaneously and that should not stop me from welcoming others as well,” saad ni Christian Bautista.
Iyon ang isa sa ipinagmamalaki ng mga taga-AOS na iba raw talaga ang samahan nila at closeness sa naturang programa.
Kagaya ng kay Lani Misalucha na dahil sa kanyang kalagayan ngayon na kung saan apektado pa rin siya sa pinagdaanan, lahat sila ay nakaalalay lalo na ‘pag nagpi-perform ito.
Sabi naman ni Christian, willing silang sumuporta at umalalay kay Lani pagdating pa lang nito sa studio. Pero malaki naman daw ang in-improve ngayon ng Asia’s Nightingale, nakikita nilang paggaling na ito. “With Miss Lani, it is not just me but everyone from the moment she walks sa studio floor. Everyone is with Miss Lani in every move during this journey, since Christmas up to now. And I’m just so so happy na she is improving daily or healing daily, and getting more well daily to the point na nagka-concert siya the other day.
“Lahat kami is willing to assist and ready to… whether alalay in any form, whether sa singing sa paglakad or any form.
“Ang pinaka nakaka-inspire is how she’s just so willing to like fight to get better, to be better and to still perform for her and for her family. Iyon po talaga.
“Now she needs no assistance almost. Walking by herself, singing by herself. That’s how fast she has healed,” masayang pahayag pa ni Christian sa nakaraang mediacon ng All-Out Sundays na isi-celebrate ang 71st anniversary ng GMA 7 sa darating na Linggo, June 13.
- Latest