^

PSN Showbiz

Aktor na hindi na kailangang mag-workshop sa kahusayan, sinukuan ng rehab!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Totoo ang pahayag ng mga dalubhasa na ang pagpapa-rehab ay hindi nakukuha lang nang minsanan. Paulit-ulit na proseso ang kailangang pagdaanan ng nagpapa-rehab, sa alak o droga man ang dahilan, dahil malaki ang posibilidad na bumalik sa dati ang pasyente.

Ganu’n ang nangyari sa isang kilalang male personality na nakapanghihinayang dahil hinulaan pa naman siyang may malayong mararating dahil magaling siyang umarte.

Kinatamaran niya ang paulit-ulit na gamutan, samantalang hindi na nga siya ang gumagastos sa kanyang rehabilitasyon, walang nangyari dahil sa katigasan ng kanyang ulo.

Kapuri-puri ang isang aktor na tunay na nalulong sa bisyo ng alak. Kung gaano siya kawalanghiya nu’n kapag nasasayaran na ng alak ang kanyang lalamunan ay kabaligtaran na siya ngayon.

Disiplinado na siya, tumitikim lang siya ng alak kapag may okasyon, hindi na siya tulad nang dati na paggising pa lang niya ay alak na ang kanyang katabi at hindi kape.

Kuwento ng aming source, “Dahil sa pagbabago niya, e, ang dami niyang trabaho ngayon. Hindi pa tapos ang isang pelikulang ginagawa niya, e, meron na agad kasunod!

“Wala na kasing problema sa kanya ang production, napakadisiplinado na niya, hindi na siya dumarating sa location nang lasing. Puwede na siyang sumalang agad sa mga camera, hindi tulad nu’n na para lang siya makaarte, e, kailangan pa siyang itayo ng mga production staff para siya makatayo.

“’Yun ang nagagawa ng disiplina. Malaking bagay sa pagbabago ng male personality ang kanyang misis na napaka-supportive sa kanya. At may alam din sa rehabilitation ang girl kaya nasuportahan siya.

“Ganu’n din sana ang mangyari sa isa pang male personality na dumaan din sa rehabilitation. Aminado naman siya na kung minsan, e, meron pa ring pitik na umaatake sa kanya pero mas nagpapakatatag siya.

“Kung kinaya ng basagulerong lasenggong male personality ang laban, kaya rin niyang labanan ang pagsumpong ng pitik na sinasabi niya. Ang galing-galing pa naman niyang umarte.

“Bakit nga ba ganu’n? Kung sino pa ang mga artistang hayup kung umarte ang nagkakaroon ng bisyo? Bakit ang mga artistang nganga sa acting, hindi naman nagkakaganu’n? Workshop lang ang kailangan nilang pagdaanan, hindi rehab!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Piolo, lumabas ang totoong kulay nang magpaturok!

Ito naman kasing si Piolo Pascual, ang ganda-ganda na sana ng kanyang kartada bilang isang mamamayang nagpabakuna pero kung bakit kinambalan pa niya ‘yun ng biro na hindi napapanahon.

“First jab done… then I died (joke)!” ang kanyang post pagkatapos niyang magpabakuna. Natural, sa panahong ito na maraming kababayan nga natin ang ayaw magpasaksak ng bakuna dahil natatakot ay hindi nagustuhan ng marami ang kanyang komento, bina-bash siya ngayon sa social media.

Walang ipinagkaiba ‘yun sa nangyari kay John Estrada nu’ng kasagsagan ng paghihigpit sa mga pasahero ng eroplano dahil sa kinatatakutang maaaring gawin ng mga terorista.

Habang dumadaan sa mahigpit na pambubusisi ng laman ng kanyang malaking bag ang checker ay nagbiro si John, “Ingat ka, may bomba d’yan!”

Pinapunta si John sa opisina ng namamahala, matagal din itong kinausap, na-hold si John dahil sa kanyang biro na bawal na bawal nu’ng mga panahong ‘yun.

Komento ng ating mga kababayan sa post ni Piolo, sa halip daw na magbigay siya ng magandang payo sa pagpapabakuna ay nanakot pa siya, lalo lang niyang pinakaba ang mga Pinoy na takot na takot na nga sa bakuna dahil sa mga kuwentong may namamatay pagkatapos magpaturok.

May nagsabi pang tatahi-tahimik lang si Piolo pero nasa loob naman pala ang kulo ng aktor. Hindi raw dapat ginagawang biro ang isang isyung pinagtatalunan ng mamamayan at ng mga taga-DOH tungkol sa pagpapabakuna.

Maling biro. Joke nga lang pero ang ganu’ng klase ng biro ay hindi napapanahon. Tuloy ay nakatikim si Piolo ng mga lumalatay na salita mula sa mga netizens at bashers.

Tanong pa ng isang basher na ewan kung nagpapanggap lang na walang alam o may gustong ipahiwatig sa post ni Piolo, “Tama ba ang spelling ni Piolo sa job? Bakit jab ang spelling niya?

“Di ba dapat, e, job, parang sa nose job, tummy job at blowjob? Hindi ba niya alam ‘yan?” tanong-opinyon ng basher.

Ubos!

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with