^

PSN Showbiz

Kamiseta, lilipat na sa Baguio!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Puring-puri ni Cris Roque ng Kamiseta Skin and Apparel si Mayor Ben Magalong ng Baguio City.

Dahil balak ni Cris Roque na mag-relocate ng business office niya, isa sa pinag-iisipan niyang location ang Baguio dahil nga sa weather nito at ang ngayon ay maikli na ang oras ng travel papunta rito.

Impressed din siya sa nakita niyang magandang performance ni Mayor Ben Magalong para sa summer capital ng Pilipinas. Maayos daw ang lahat ng parte ng Baguio at hindi tulad ng dati na parang very crowded.

Heto at gusto na nga niyang gawing base ang Baguio dahil sa nakita niyang mabilis na progress nito, plus iyon ngang nakita niya na magandang pamamahala ni Mayor Magalong.

Well, kung nakita nga ni Cris ang magandang future ng Baguio, sure ako na tama ang decision niya as a successful business woman and as a very private person. Kung nakita niya na maganda ang leadership at talagang continuous work for progress ang performance ni Mayor, maniniwala tayo ‘di ba. Siyempre, very keen ang mga mata ng isang Cris Roque sa mga ganitong bagay.

Mr. Fu, spoiled sa follower

Naku ha, inggit ako sa isang friend ni Mr. Fu. May isa siyang follower na hanggang ngayon hindi pa niya nakikita, pero sosyal lagi ang pinapadala sa kanya, si Iveth.

Imagine mo, isang set ng Nars cosmetics, bonggang food galore, mga sosyal na items, give niya kay Mr. Fu. Kami nga ni Cristy Fermin, give niya rin ng lipstick na Nars na isang set of different colors ha. Kung hindi nga lang isang screa­ming gay si Mr. Fu, iisipin ko na may pagnanasa sa kanya si Iveth.

Bongga ang mga ganyang followers ha, talagang spoiled ang kanilang friends. Type ko tuloy maging friend si Iveth, at include ko siya sa listahan ng rich Asian friends ko dahil mukhang yayamanin siya. Afford niya ang rich taste ni Mr. Fu, at supportive siya sa social climbing nito na mga mahal na cosmetics at food.

CRIS ROQUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with