Ipa-finalize na ngayong araw ang buong cast ng sitcom na ipapalit muna sa timeslot ng Pepito Manaloto. Ito na nga ang Unang Kuwento na prequel ng nasabing programa na kung saan ilalahad ang kuwento ng pagkikita at kung paano nabuo ang pagmamahalan nina Pepito at Elsa Manaloto.
Malamang may say din sina Michael V. at Manilyn Reynes sa pagbuo ng buong cast.
So far ang nasagap ko lang, si Sef Cadayona raw ang gaganap na young Pepito at Mikee Quintos naman ang gaganap na young Elsa.
Medyo challenge ito kay Mikee na mapapasabak sa all-out na comedy. Si Sef naman ay kumpiyansa kaming kering-keri niya ito dahil malamang gets na gets niya ang acting ni Michael V. at nagkatrabaho naman sila sa Bubble Gang.
Idol pa naman ni Sef si Bitoy, kaya malaking tulong ito sa kanyang career.
Interesting din ang bagong sitcom na ito dahil bigatin ang ibang bahagi ng cast.
Ang isa pang narinig namin, kasali na rito si Pokwang na hawak na ng GMA Artist Center. Hindi ko lang alam kung ano ang role na gagampanan niya.
Bukod kay Pokwang, kasali rin daw si Kokoy de Santos na sana magkaroon pa siya ng iba pang project sa GMA 7.
Kasali rin dito si Gladys Reyes na excited, dahil type na type niya talaga ang Pepito Manaloto.
Winner at runner-up ng singing competition, May tension ang biritan
Natawa kami sa kuwento ng ilang staff ng isang variety show dahil pinagtripan nilang bantayan ang dalawang magaling na singers na galing sa isang singing competition.
Ang isa ay winner at ang isa naman ay runner-up sa singing competition na sinalihan nila. Pareho silang magaling kumanta, pero ayaw paawat ng runner-up dahil maaaring feeling niya siya dapat ang magwagi,
Kaya kapag nasa isang production number sila, tinataasaan ni runner-up ang birit. ‘Pag tinaasan ni runner-up, tataasan din nung winner na singer.
Ang nangyayari tuloy, pataasan sila ng birit.
Ramdam na tuloy ang tensyon sa dalawa kapag nasa isang stage sila.
Minsan kasi ay napapansing deadmahan na sila.
Gusto talagang patunayan ni runner-up na siya ang may karapatang champion. Pero pareho silang magaling at hindi naman sila napapabayaan ng istasyon.
Malalaman ito kung sino sa kanila ang mas magkaka-career.
Okay lang daw ‘yun kung magpapatalbugan sila ng biritan, huwag lang daw personalin ang kumpetisyon.
At least nakakaaliw naman sila panooring patalbugan ng biritan.