Heart, lumabas na ang bagong collab sa luxury brand!

Heart

MANILA, Philippines — Winner ang bagong collab ni Heart Evangelista sa Italian brand na Salvatore Ferragamo.

Yup, featured nga si Heart sa campaign ng Ferragamo na #SilkYourStyle.

Posted sa official Instagram account ng nasabing luxury brand si Heart. “Heart Evangelista is unwaveringly stylish with classic Ferragamo foulard woven through her braid for a feminine flourish. How do you style your scarf? Discover ways to immaculately #SilkYourStyle through the link bio.”

Kaya naman pati ang tatay niyang si Mr. Rey Ongpauco at mister niyang si Gov. Chiz Escudero, nag-congratulate kay Heart sa nasabing post.

Pangmayaman ang nasabing ‘style’ kaya talagang pupusuan mo lang naman.

Anyway, kahit sinasabing kasado na ang TV comeback ng Queen of Creative Collaborations via the upcoming GMA series na I Left my Heart in Sorsogon kasama ang Kapuso actors na sina Richard Yap at Paolo Contis, hindi pa rin umano natutuloy ang taping nila.

Sa Bicol kukunan ang kabuuan ng palabas na ayon sa isang taga-Bicol na nagko-coordinate sa taping, July pa ang tentative schedule nito.

Show comments