Stage/set ng Everybody, Sing!, kinabiliban

Everybody Sing

MANILA, Philippines — At dahil tinuturing na bagong bayani na rin ang community pantry volunteers, sinuwerte sila sa unang episode ng programa ni Vice Ganda na Everybody, Sing!. Nakuha nila ang jackpot prize na P500,000 noong Sabado (Hunyo 5).

Nahulaan ng tama ng 25 songbayanan ang 10 titulo ng mga kanta sa Everybody Guessing na jackpot round ng unang community singing game show. Kaya naman, paghahatian nila ang P500,000 bilang unang jackpot prize winner.

Pinuri rin ni Vice ang community pantry volunteers mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila dahil sa kanilang paglilingkod sa gitna ng pandemya. “You all deserve to win. Mahigit pa sa P500,000 ‘yung binigay ninyong serbisyo, kalinga, at pagmamahal sa mga taong hindi n’yo kakilala,” ani Vice.

Sa panayam sa kanya ng programa, ibinahagi ng 20-anyos na community pantry volunteer na si Pao na nahikayat siyang tumulong dahil napapasaya niya ang ibang tao at natutuhan ang pagiging pasensyoso. “Kahit nag-aaral kami, basta may free time, makakatulong kami sa ibang tao. Hindi lang sila ‘yung napapasaya. Pati na rin kami.”

Anyway, isang orihinal na konsepto ng ABS-CBN at Pinoy made ang Everybody, Sing! na may layuning bigyang-diin ang kahalagahan ng bayanihan at pagtutulungan, lalo na sa panahon ng pandemya.

Pero ibang level as in winner ang kanilang stage / set design. Ayon sa Facebook post ng mahusay na stage / set designer nito na si Gil Bien : “This set was designed December 2019, constructed and finished at February 2020. It aired this night (Saturday). This set was made for a 100 pax contestants but due to health protocols it would face setbacks and limited users in the space.

“The design takes an active stance, imposing vertical and diagonal elements that would invite people to take part from both sides of the screen.”

 

 

Show comments