John Lloyd, handa na uling ma-in love! kay Andrea na kaya?

Willie at John Lloyd

Derek ino-’offer’ si Ellen para maging Kapuso?!

Emosyonal si John Lloyd Cruz sa kanyang official showbiz comeback kahapon sa isang special show para sa isang shopping app kasama si Willie Revillame.

Naluluha-luha siya pagkatapos umawit ng Yakap sa Araneta Coliseum.

More than four years nawala sa showbiz si John Lloyd nang ma-in love kay Ellen Adarna habang magkasama sila noon sa comedy show na Home Sweetie Home sa ABS-CBN.

Hanggang nabalitang nabuntis si Ellen at nanganak na matagal bago nagkaroon ng confirmation.

Sa social media lang nararamdaman noon si Ellen habang si John Lloyd ay nagpaka-normal sa mga nagkalat na photos niya.

Andyang nag-jeep siya, nasa market, at nabalita pang kakandidatong barangay captain sa isang municipality sa Cebu kung saan naka-base noon si Ellen.

Hanggang naiba ang lahat nang lumantad si Ellen na sumailalim siya sa mental training sa Indonesia dahil sa kanyang mga pinagdaanan though walang sinasabi kung dahil ba ‘yun sa kanila ni John Lloyd.

Hanggang biglang lumutang sa social media na dating na sila ni Derek Ramsay hanggang nagli-live in na sila at may naganap nang proposal.

Si John Lloyd naman ay nag-shooting ng pelikula sa Bicol hanggang lumabas na ima-manage siya ng talent agency ng grupo ni Maja Salvador hanggang ito na, pumirma ng kontrata kay Willie Revillame para sa WBR Productions.

At kahapon nga, napanood na siyang kumakanta pero hindi na sa ABS-CBN kung saan siya sumikat.

“Welcome back, handa ka na ba? Anong nararamdaman mo ngayon?” tanong ng bilyonaryong TV host sa nagbabalik na aktor.

“Nagpapasalamat sa ‘yo, nandito ako, excited to be back. Si Kuya Willie, nandito ako dahil sa ‘yo, thank you,” sabi pa nito.

Sagot ng TV host: “Napakaganda ng puso mo. Napakaganda ng pagkatao mo. Mahal na mahal mo si Elias (anak nila ni Ellen), Mahal na mahal mo ‘yung anak mo. Nami-miss ka namin lahat!

“Ang galing mo, fan mo ko, fan mo kaming lahat. Dahil napakabuti mong tao at napakagaling mong artista. Sa totoo lang lahat ng GMA artists gusto kang makasama sa isang pelikula.”

At take off pa lang daw ito ng pagiging Kapuso ng actor dahil plantsado na ang comedy show na gagawin nila ni Andrea Torres na ex ni Derek Ramsay na pakakasalan ng ex niyang si Ellen.

Mapapanood daw ito sa primetime ng GMA.

At nang tanungin siya ni Willie kung handa ba siya uling umibig? “Handang handa na!” sabi nito.

So kay Andrea na kaya ‘yun?

Wheww, so fate kaya ‘yun?

Samantala, kuwento naman ng isang source, ino-offer / sinabi diumano ni Derek sa isang executive ng network na bakit hindi na lang kunin ng GMA si Ellen.

Kaya may chance rin daw itong maging Kapuso sabi ng source.

So puwede kayang ‘pantapat’ sa John Lloyd / Andrea ang Derek / Ellen team up?

Hahaha.

Well, baka nga nagbibiro ang tadhana sa kanila.

Pero kung maraming excited, marami rin naman daw Kapuso stars ang kabado dahil baka mas lalo silang mawalan ng chance sa malala­king proyekto ng GMA ngayong may John Lloyd na at baka may Bea Alonzo pa.

Diumano’y nagkakaroon ng ‘reconstruction’ ang contract ng lahat ng Kapuso stars sa kasalukuyan kaya maraming kabado sa mga pangyayari.

By the way, nauna na ngang inamin ni John Lloyd na naunsyami ang gagawin sana nilang comedy show sa Brightlight Productions ni former Congressman Albee Benitez para sa TV5. Sabi kasi ng isang source, hindi pala sila nabigyan ng timeslot kaya hindi natuloy.

Show comments