^

PSN Showbiz

Ajakada may concert para sa mga Pinoy sa South Korea

Kimberly Vedad - Pilipino Star Ngayon
Ajakada may concert para sa mga Pinoy sa South Korea
Ajakada

MANILA, Philippines — Concert at ilan pang exciting sight-seeing trips ang inihanda ng Ajakada nina Donny Pangilinan, Kristel Fulgar, Shine Kuk, at Robi Domingo para sa mga chingu at virtual travelers sa darating na finale ng Aja! Aja! Tayo sa Jeju ngayong Hunyo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC. 

May concert na naghihintay sa Filipino community sa Jeju Island mula sa Ajakada at sa Billboard-nominated boy group na SB19, na aawit ng kanilang hit song na Go Up.   

Sa mga huling araw nila sa isla, mamimitas ang Ajakada ng tangerine bago lumipad pabalik ng Seoul. Bago naman bumalik sa Manila, tutungo muna ang Ajakada sa Blue House kung saan ito ang official residence ng namumuno ng South Korea at pupuntahan din nila ang kilalang cultural exhibition space na K-Style Hub kung saan mas makikilala pa nila ang makulay na kultura ng bansa.

Layunin ng Aja! Aja! Tayo sa Jeju ng ABS-CBN at ShowBT Philippines na ipakilala ang mga Pilipino sa kultura ng South Korea at ipakita ang ganda ng Jeju Island sa pamamagitan ng mga fun challenge at iba pa.

Samahan muli ang Ajakada sa pagtatapos ng kanilang paglalakbay sa Jeju Island sa huling dalawang linggo ng  Aja! Aja! Tayo sa Jeju tuwing Sabado, 10 PM.  

Prisoners of Love, inaabangan kung magkakatuluyan

Kapwa mga bilanggo sina Michael at Evelyn sa kani-kanilang buhay. Dating macho dancer, holdaper, drug pusher at isang jail inmate si Michael nang makilala niya si Evelyn na isang abused OFW Domestic Helper sa Hong Kong na parang isang preso na rin dahil sa mga responsibilidad sa kanyang malupit na amo at sa kanyang pamilya bilang isang breadwinner.

Hanggang sa naging magka-chat sila sa Facebook at nagkaroon ng relasyon pero inilihim ni Michael na nakapiit siya sa Bilibid sa takot na mahusgahan siya at layuan ni Evelyn na minamahal na niya at naging inspirasyon para sa kanyang pagbabagong-buhay. 

Paano kung malaman ni Evelyn ang buong katotohanan? May pag-asa pa kayang magkaroon sila ng “happily ever after”?

Ngayong Sabado, June 5, saksihan ang isang nakakakilig at nakakaiyak na special at fresh episode ng Magpakailanman na pinamagatang Prisoners of Love. Pinagbibidahan ito nina Kapuso star Kristoffer Martin bilang Michael, Elle Villanueva bilang Evelyn, Victor Anastacio bilang Ayeng at Don Umali bilang Tatay Eko.

Sa direksyon ito ni Conrado Peru, panulat ni John Roque at pananaliksik ni Angel Lauño.

Dingdong, naging parte ng San Beda cheerleading squad

Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ay naging member pala ng San Beda Cheerleaders Association!

Ipinalabas sa isang episode ng Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96 ang isang short video kung saan si Dingdong ay kasamang nagpe-perform para sa isang game.

Malamang ay isa rin si Dingdong sa mga excited nang mapanood ang pagsisimula ng bagong season ng NCAA.

Sa ngayon ay patuloy munang tumutok sa Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96 sa GTV, Mondays to Fridays, 2:45 p.m., Saturday, 4:30 p.m., and Sunday 5:05 p.m.

 

 

DONNY PANGILINAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with