No special treatment? Pamilya ni Aga Muhlach inuna sa COVID-19 jabs dahil 'may comorbidities'
MANILA, Philippines — Inilinaw ng Muntinlupa local government unit (LGU) na pare-parehong may problema sa kalusugan ang halos buong pamilya ng aktor na si Aga Muhlach matapos makwestyon ang sabay-sabay na pagpa-prayoridad sa kanila sa COVID-19 vaccinations ng lungsod.
Sa ulat ng The STAR, Huwebes, sinabi ni Muntinlupa PIO chief Tez Navarro na kasama sa A3 priority group sina Aga, misis na si Charlene Gonzalez at kambal nilang sina Atasha at Andres.
Actor Aga Muhlach, his wife, and twins are all suffering from medical issues, making them qualified to get a jab of the vaccine against COVID-19, an official asserted. | via Ghio Ong pic.twitter.com/Gw4RWlJHLb
— The Philippine Star (@PhilippineStar) June 3, 2021
Ika-1 ng Hunyo nang ipaskil ng Muntinlupa LGU ang pagsasailalim ng pamilya Muhlach sa COVID-19 vaccination sa Festival Mall Underground Parking, matapos aniya nilang sumailalim sa step-by-step line at registration.
Sa kabila nito, duda ang ilang netizens at sinabing pinapaboran ang pamilya lalo na't "wala" raw ibang kasamang nakapila ang mga nabanggit.
Wait. So Aga Mulach and his family all belong to A3? As in Artista Priority Group 3?
— Camille Calalas (@camcalalas) June 3, 2021
The family of Aga Mulach. Yeah unfair pa rin ang mundo. Special treatment. https://t.co/X13gASrhvh
— Nonoy I (@Nonoy01012020) June 3, 2021
Kaugnay nito, ipinasisilip na raw ni Interior Secretary Eduardo Año kung nagkaroon ng mga paglabag sa vaccination protocols na itinakda ng pamahalaan.
"I’ll look into this. We haven’t received details except what is in the news," ani Año sa isang Viber message.
"Rolling out na din tayo sa A4 so we'll check on that."
Sa ngayon, pinaprayoridad ang COVID-19 immunization ng healthcare workers (A1), senior citzens (A2) at may mga commorbidities o karamdamang magpapalala sa COVID-19 (A3).
Sa 8,279,050 COVID-19 vaccine doses na dumating sa Pilipinas, nasa 5,382,172 na ang naituturok, batay sa mga datos ng gobyerno noong ika-2 ng Hunyo, 2021.
Umabot na sa 1.24 milyong katao sa bansa ang tinatamaan ng COVID-19 ngayong araw. Sa bilang na 'yan, pumanaw na ang 21,357. — James Relativo at may mga ulat mula kina The STAR/Ghio Ong at ONE News
- Latest