Jinkee, mabilis tumupad sa pangako

Jinkee
STAR/ File

Ang bait ni Mama Jinkee Pacquiao. Dahil gustong manood ng apo kong si Kinsey ng fight ni Champ Manny Pacquiao sa August sa Las Vegas, nag-try ako na humingi ng ticket kay Mama Jinkee.

Sumagot siya agad, at talaga namang gusto kong tumalon sa tuwa, dahil ‘pag nag-promise si Mama Jinkee, tinutupad niya.

Bata pa si Kinsey, idol na niya si Champ Manny.

Alam niya na ayaw kong mag-travel ng long flight ngayon kaya nag-ask na lang siya ng favor na bigyan ko siya ng ticket.

Hindi ako binigo ni Mama Jinkee, yes agad ang sagot. Kaya nakiusap ako kay Jayke Joson na siya ang mag-remind dahil wala nga ako sa Vegas at siyempre, ask na rin ako ng jacket para sa fight.

Siyempre yes din ang sagot ni Papa Jayke.

Ang suwerte ni Kinsey dahil lahat ng request ng Lola Lolit niya, yes.

Hah hah, sure akong maha-happy na siya dahil now lang yata niya maiintindihan ‘yung boxing dahil teener na siya.

Noong bata siya, watch lang siya, alam lang niyang nanalo ‘pag itinaas ang mga kamay ni Manny. Now at least, alam na niyang magbilang kung ilang suntok ang tumama.

Hay naku, exciting sana pero pagod sa katawan ang biyahe.

Basta, manalo, matalo, si Champ Manny Pacquiao pa rin ang ating hero.

Talagang icon siya.

Ang galing naman ng reaction ng tao sa possible team-up nina John Lloyd Cruz at Andrea Torres.

Mukhang type naman silang mapanood together ng viewers, kaya dapat habang mainit ang reception ng tao, umpisahan na agad.

Talagang ang hinahanap ng tao ngayon iba-ibang kombinasyon, ayaw na nila ‘yung pare-pareho at parating iyon ang napapanood.

Iba nga naman ang magiging timpla ‘pag sina Lloydie at Andrea ang nagsama ngayon.

Maiiba ang batuhan ng dialogues, ang body acting, ang chemistry, bago lahat para sa audience.

In the same manner kung sakali na mapunta sa GMA 7 si Bea Alonzo at mapareha naman sa mga star ng 7.

Ganundin si Piolo Pascual, ‘yung maiiba rin ang putahe ‘pag ang mga kasama niya taga-GMA 7.

Show comments