^

PSN Showbiz

Male personality na mabait na asawa nanawa sa babae nung binata!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nagpakasawa muna sa pagkabinata ang isang popular na male persona­lity bago siya lumagay sa tahimik. Wala siyang sinayang na panahon sa pagpapasaya sa kanyang sarili nu’ng binata pa siya.

At sino ba naman ang hindi magkakagusto sa male personality sa kanyang kaguwapuhan, kagandahan ng bulto ng katawan at katalinuhan, may tatanggi bang babae sa kanya?

Kuwento ng aming source, “Kung bibilangin natin ang mga babaeng nakachurvahan niya at  isasakay natin sa bus, e, kukulangin ang isang bus lang! Kailangang dalawang bus ang sakyan ng mga girls na nakasabay niyang magpaligaya!

“E, kasi naman, titigan ka pa lang ng popular na male personality na ‘yun, e, bibigay ka na talaga! Ano bang first meeting n’yo pa lang ‘yun, go na!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Nu’ng kasagsagan ng kabinataan niya ay hindi nababasyo ang bawat gabi ng sikat at guwapong aktor. Kahit gusto na niyang manahimik na lang sa kanilang bahay ay may humahabol pa ring tukso.

Patuloy ng aming source, “Hindi ba, magaling din siyang dancer? Kapag may performance ang grupo nila, e, namamalengke na ang mga mata ng male personality mula sa audience!

“Meron na siyang namamatahan, may natatay­pan na siya, meron na siyang makakasama after the show! At siyempre, walang pagtanggi ang girl na natitipuhan niya, magiging choosy pa ba naman ang babae?

“Ganu’n siya katulis nu’n! Walang nasasayang na pagkakataon ang male personality. Buti nga at nakakapagtrabaho pa siya, e, overworked na nga siya sa kama!” pag-alala pa ng aming impormante.

Pero nu’n ‘yun. Nu’ng kabinataan pa ng male personality. Nagkaroon din siya ng mga seryosong pakikipagrelasyon sa mga artista hanggang sa maging sila na nga ng isang napakagandang female personality na pinakasalan niya.

Konklusyon ng aming source, “Mas mainam na ang ganu’n na nagpakasawa siya nu’ng binata pa siya. Lahat, e, ginawa na niya, kaya ngayong pamilyado na siya, e, wala na siyang ginagawang milagro!

“Very loyal na siya sa wife niya, kayang-kaya na niyang sanggahin ang mga tukso, wala nang makapang-aagaw pa ng pagmamahal at attention niya.

“Very loyal na siyang husband, e, very responsible father pa siya, sa totoo lang! Naku, napakadaling hulaan kung sino ang sikat na male personality na ito!

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, ano ba ang pinipindot n’yo kapag malapit na kayo sa pintuan? Ano ang tunog nu’n?” humahalakhak na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

TIPMMG, parang kailan lang...

Parang kailan lang ‘yun nang tumawag ang aming patnugot na si Salve Asis, “Nay, okey ba sa iyong mag-digital show tayo? Kayo ni Nay Lolit (Solis) ang magkasama. First time!”

Bakit nga naman hindi? Inagaw na ng teknolohiya ang mga talk shows, nagba-vlog na ang mga artista, nasa digital na ang labanan.

Nang sumagot kami ng positibo kay Salve para sa pagsasama namin ni Kabsat Lolit ay may isa pa itong lambing. “Puwede bang sa gallery mo natin gawin ang show? Du’n tayo every Tuesday nang tanghali sa Mga Obra Ni Nanay.”

Check uli. At du’n na po ipinanganak ang Take It, Per Minute muna. Kami lang ni Kabsat Lolit. Matagumpay ang aming pagsasama, naaliw ang mga kababayan natin na ang akala ay personal kaming magkaaway dahil sa paglalaban ng aming mga talk shows nang mahabang panahon, pero hindi naman pala.

E, isang Martes nang tanghali, dumalaw sa gallery si Mr. Fu, ang super-nakakaaliw na FM radio deejay na nagpasikat ng linyang “Me gano’n!”

Palibhasa’y pareho kami ni Manay Lolit na hindi maramot sa mga ilaw at camera, halos sabay pa kaming nagyaya kay Mr. Fu, “Halika, maupo ka, makigulo ka sa amin!”

At du’n na po nakumpleto ang Take It, Per Minute… Me Gano’n. Walang aksidente, palaging nakadisenyo ang bawat pangyayari, palagi naming kinasasabikan ang bawat Martes ng aming buhay para sa pagsasama-sama namin sa nangungunang digital show ngayon.

At nu’ng nakaraang Martes ay naka-isandaang episodes na pala kami. Sobra pa nga kung tutuusin kung hindi nang-agaw ng panahon ang pandemya. Parang anibersaryo na mismo ang nangyari nu’ng Martes dahil may catering kami mula kay Tita Lily Chua at tatlong lechon mula kina Mayor Enrico Roque, Col. Jude Estrada at Tita Susan Sy ng Regent Foods Corporation.

Maniniwala po ba kayo na anim na tao lang ang nagpapatakbo ng Take It, Per Minute… Me Gano’n tuwing sumasahimpapawid? Kaming tatlong hosts, si Salve Asis na tagapamuno namin, saka ang technical team nina Randolf Uba at Gillord Macapagal.

Pero ang namamahala sa mga background naming paintings ay si Japs Gersin, tumutulong naman sa pag-aasikaso sa buong grupo sina Tina Roa, Paul John at Richie Villarta, kami-kami lang talaga ang bumubuo ng TIPMMG.

Mula sa pusong salamat sa lahat ng mga tumututok sa amin tuwing Martes nang tanghali mula dito sa atin maging sa iba-ibang bansa na ang tawag sa aming digital show ay happy pill.

Pang-alis ng lungkot, gamot sa stress, pildoras sa depresyon na hindi mabibili sa anumang botika.

Maraming salamat po dahil kayo ang naging susi sa tagumpay ng Take It, Per Minute… Me Gano’n!

Hanggang sa muli.

TAHIMIK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with