^

PSN Showbiz

Coco may hypertension, asthma at fatty liver!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Coco may hypertension, asthma at fatty liver!
Coco

Pinagtanggol sa bakuna...

Bandang hapon ng Sabado na nakasagot sa akin si Biboy Arboleda, ang manager ni Coco Martin tungkol sa isyung pagpapabakuna ng Kapamilya actor.

May mga kumuwestiyon kasi kung saang category siya nakasama bakit siya nabakunahan agad sa Brgy. Greater Lagro, Quezon City.

Sabi ni Biboy, hypertensive si Coco, dinagdagan pa ng taga-barangay na na-check daw nilang may asthma rin ito at may certificate ng doktor niyang may fatty liver ito. “We followed protocols and his doctors sent records. Thanks,” dagdag pang text sa akin ni Biboy.

Nilinaw din ng taga-barangay doon sa Lagro na hindi naman daw nag-cut sa pila si Coco. Konti lang naman daw silang nasa pila ng may comorbidity kaya napadali ang pagpabakuna sa kanya.

Hindi na rin umimik ang ilang netizens na nagtatanong pa nung makita nilang ipinost ito sa Facebook account ng Barangay Lagro.

Kung sabagay, malaking bagay na ring nakikita ang mga sikat na mga artistang nagpapabakuna na dahil ang dami pa rin, lalo na sa mga senior citizen na ayaw pa rin talagang magpabakuna.

Kaya maganda rin ‘yung ginagawa ni Mayor Isko Moreno sa Maynila na kahit hindi tagaroon ay binabakunahan na nila. Marami rin kasing nagtatrabaho sa Maynila na taga-ibang lungsod. Kaya kung nabakunahan naman ang mga taga-Maynila, at hindi pa ang ibang nakakatrabaho nila, hindi pa rin sila safe.

Dagdag pang balita lately, inaprubahan na rin ng IATF ang pagpapabakuna sa priority group na A4. Ilalabas naman daw ng IATF ang specific guidelines sinu-sino ang qualified sa A4 category.

Malamang na darating ang araw na required na rin ang mga artistang bakunado bago sila isalang sa lock-in taping o shooting.

Andre, pahinga na talaga sa showbiz

Puspusan na pala ang training ni Andre Paras sa Blackwater para sa Philippine Basketball Association o PBA.

Talagang maisasantabi muna nito ang pag-aartista dahil naka-bubble sila habang nagti-training.

Dalawang Linggo ko nang napapanood ang Game of the Gens na iniwan ni Andre, okay naman si Ruru Madrid ang ipinalit, na swak din sila ni Sef Cayadona as hosts ng naturang game show.

So far, wala pang payo sa kanila kung mai-extend pero hanggang sa season-ender ng Game of the Gens ay si Ruru na ang kasama ni Sef bilang host. Napapanood ito tuwing Linggo ng alas-otso ng gabi sa GTV.

Pero bago iyan, naaliw din ako sa Farm to Table na napapanood din tuwing 7 ng gabi sa GTV.

So far, tatlong dish na ang nakokopya ko sa naturang programa na masarap naman nang sinubukan naming lutuin.

Ang gaan panoorin ni Chef JR Royol na nag-iikot lang sa isang farm o kung ano ang nakikita niya sa paligid ay nagagawa niyang bumuo ng isang ulam.

Sa mga ipinanganak sa probinsya, mami-miss mo talaga ang buhay-probinsya kapag mapapanood mo itong Farm to Table. Kaya sana tuluy-tuloy pa ito.

COCO MARTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with