Siguro ang pinakamahirap sa lahat ‘yung broken marriage na may mga anak kayo. In the case of Raymart Santiago at Claudine Barretto, mabuti na lang at bata pa ang anak nilang lalaki na siguro kung nasa tamang edad na medyo affected na sa mga nangyayari ngayon sa father at mother niya.
Ito kasi ang dapat ingatan ng mga naghihiwalay na mag asawa, ‘yung batuhan ng akusasyon, ‘yung bitterness at ‘yung sumbatan.
Dapat talaga tanggapin na tapos na ang relasyon, wala na. Ngayon ‘yung isyu ng suporta, ‘pag usapan nang mahusay, huwag gawing issue ang pera, kung meron, ok, kung wala, pasensiya.
Pagdating kasi ng araw at balikan ‘yung mga masakit na nasabi, sure na isa sa kanila ay masasaktan kasama na ang mga anak nila.
Parang hindi matapus-tapos ang issue nina Raymart at Claudine. Sana ceasefire na, ayusin na, huwag nang magsalita pa ng masasakit, para tigil na.
Later on kasi, you regret what you said, pero hayun, nasabi na. Sana nga maging mature na sila na tanggapin na hindi na puwedeng i-save ang marriage nila, pero puwede pa rin silang maging friends dahil sa anak nila.
Derek at Ellen, waging-wagi sa asaran!
Bongga talaga ang romantic story nina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Talagang may teaser sa Instagram ng steamy scenes kung minsan. Talagang may pagka-naughty sina Derek at Ellen na habang panay ang comments ng tao sa kanilang dalawa, lalo naman nilang tinutukso.
Imagine mo ‘yung parang acrobatic act na ipinakita nila sa IG, tapos ‘yung shower scene ni Derek, bongga ha. Para bang o hayan, sige, comment kayo kung gusto n’yo. Basta lang ipo-post nila sa IG, sa social media na para bang heto, tuluy-tuloy nga ang mga balita tungkol sa kanila.
Pilyo at pilya ang peg nina Derek at Ellen, kaya hayan, satisfy your curiosity.
Wala na, may nanalo na sa asaran, kaya uwian na, hah hah. Asar talo talaga.