Alice may yaya na, nakabalik na sa taping
Balik lock-in taping na ang cast and crew ng inaabangang cultural drama series ng GMA Network na Legal Wives nitong Miyerkules, May 26.
Sa behind-the-scene photos ng kanilang unang araw ng pagbabalik-taping ay makikita na sinimulan muna ito ng team ng isang dasal. Matapos nito ay sumabak na sa kanilang eksena ang mga bida na sina Kapuso Drama King Dennis Trillo at Andrea Torres.
Ang Legal Wives ay tungkol sa isang lalaking Maranaw na si Ismael (Dennis) na may tatlong magkakaibang babae na pakakasalan para sa iba’t ibang dahilan.
Si Diane (Andrea), isang Kristiyanong mamahalin ni Ismael at magiging pangalawang asawa nito; Amirah (Alice), ang unang asawa; at Farrah (Bianca), ang pinakabatang asawa.
Kasalukuyang nagte-taping sa isang resort sa Laguna ang cast ng Legal Wives.
Obviously, iniwan ni Alice ang baby niya sa kanyang partner at sa yaya nito. “May nanny na si Baby A (Aura) - YES!!!!! So I’m slowly going back rin to a more regular routine yay,” post nito nung minsan.
Hindi pa rin ipinapakita hanggang ngayon ni Alice ang face ng kanyang baby na produkto ng surrogacy.
Naikuwento ng aktres, challenging daw ang adjustments niya bilang first-time mom. “It’s not difficult kasi wala naman akong comparison pero siguro like all first-time moms, mahirap ‘yung puyat, mahirap ‘yung adjustments sa pagpapakain ng baby,” aniya.
Bulakenyong beatboxer, kauna-unahang ‘versus’ grand champion
Itinanghal na kauna-unahang ultimate “Versus” grand champion ang Bulakenyong beatboxer na si Jessie Pascua a.k.a. The Ihaws of Us sa naganap na Versus: The Grandshowpresa ng It’s Showtime noong Biyernes (Mayo 28).
Si Jessie ang piniling winner ng dalawa sa apat na hurado pagkatapos niyang pabilibin ang mga ito sa performance niya gamit ang iba’t ibang beatboxing techniques at pagpapatugtog ng harmonica.
Bilang grand champion, nag-uwi si Jessie ng P100,000 na may kasamang grand trophy. Nag-uwi naman ang kapwa niyang grand finalists na sina Christorpe Reeve (Jestoni Rubantes), Otso Gwapito (Jericho Ayala), at Siyam Milby (Larry Into) ng tig-P20,000.
Nagsilbing mga hurado sa grand finals sina Iza Calzado, Darren Espanto, AC Bonifacio, at Angelica Panganiban.
Tatlong buwang nagtagisan ang iba’t ibang contestants sa Versus, kung saan itinampok ang iba’t ibang kakayahan at kakaibang talento ng mga Pilipino para magbigay ng aliw sa madlang people.
Cast ng Legal Wives, balik lock-in taping na
- Latest