Sharon nagkaroon ng depression, parang namatayan, nawalan ng Hollywood film sa palpak na swab test!Jo Koy bibida sa sitcom sa American network

MANILA, Philippines — Bibida rin ang Fil-American comedian na si Jo Koy sa upcoming sitcom ng ABC sa America na may title na Josep. Ayon sa report ng variety.com, “Josep, a single-camera sitcom based on the life of a hardworking Filipino American nurse, is in development at ABC. Stand-up comedian Jo Koy is attached to star as the titular protagonist and will also executive produce. The show, which follows Josep as he navigates dating, fatherhood and his mother moving in with him, is written and executive produced by showrunner Steve Joe.”
Ayon pa sa nasabing report, 30-minute per episode mapapanood ang nasabing palabas.
“Excited to show you all what we’re working on over at @abcnetwork #filipinofamily,” ang post ng Fil-Am comedian na nanalong “Stand-Up Comedian of the Year” sa 2018 Just for Laughs Comedy Festival sa Montreal.
Isa naman si KC Concepcion sa agad na-proud na finally isang Film-Am ang bibida sa isang programa sa American network. “A Filipino family on American tv?? Oh maaan... finally!!! Hahaha the world ain’t READY.” At sumagot naman si Jo Koy ng “Ayyyyyy! Let’s git it! Thank you Kristina.”
At hindi pala ito ‘yung movie project na supposedly ay kasama si Sharon Cuneta na ‘di natuloy dahil ‘di nakahabol si Ate Shawie sa shooting nito sa Canada. Iba pa ito.
Sa kanyang IG Live kahapon with her husband, Sen. Kiko Pangilinan, kinumpirma nga ni Sharon na hindi siya umabot sa shooting dahil sa palpak na resulta ng kanyang swab test bago ang flight niya pa-Canada na nagresulta rin ng kanyang depression.
Three days before her flight ay nagpa-swab sila na requirement ngayong pandemic at nag-positive siya sa nasabing swab na ikinagulat ni Ate Shawie dahil hindi nga sila lumalabas ng bahay at ‘di raw talaga siya nagkasakit.
Dahil hindi makapaniwala, nagpa-swab siya sa seven pang testing centers na lahat ay negative ang resulta.
Pero na-advice na ang American production nito na pangunguna ni Steven Spielberg kaya nagkagulu-gulo na ang schedule ng shooting at hindi na nga siya nakasama sa schedule dahil sa Canada pala ay may two-way quarantine.
Ganunpaman, nag-quarantine na rin siya after ng nasabing palpak na result ng swab pero talagang iniyakan daw niya ito at parang namatayan ang pakiramdam.
Suposedly ay gaganap siyang tita sa movie ni Jo Koy na ni-recommend pa mismo nito na panggulat daw sana niya sa fans na all Pinoy ang cast.
Dahil sa nangyari, pakiramdam ni Sharon ay para siyang namatayan kaya kinailangan na niyang lumipad sa Amerika.
Samantala sa nasabing ding IG live ay nilinaw nitong hindi siya binubugbog ni Sen. Kiko, wala siyang bagets na dyowa at lalong hindi siya buntis.
Actually, hindi ito ang unang beses na narinig ko na nagkaroon ng palpak na resulta ng COVID test.
Pero siyempre, grabe ang epekto kay Sharon. Imagine, Hollywood film ang nawala sa kanya plus working pa with the great Steven Spielberg.
Kaya naman talagang may karapatan siyang ma-depress at magluksa.
- Latest