MANILA, Philippines — Wow buhay na buhay pa rin ang fans ni Maricel Soriano.
Ito ay dahil ipinalabas ng ABS-CBN Film Restoration sa ika-50 anibersaryo sa showbiz ng Diamond Star ang Soltera, isang kuwento ng May-December love affair, na pinagbidahan din nina Diether Ocampo at Claudine Barretto, sa Sagip Pelikula Festival sa KTX kagabi.
Gumanap sina Maricel at Diether bilang Sandra at Eric, na may May-December love affair. Si Sandra ay isang wedding planner na takot mamuhay nang mag-isa.
Mapapamahal siya sa binatang si Eric (Diether) na puspusang nanligaw sa kanya. Sa kabila ng agwat ng kanilang mga edad, susubukan ng dalawa na lagpasan ang mga hadlang sa kanilang relasyon, hanggang sa mapagod si Eric at makilala ang assistant ni Sandra na si Lisa (Claudine).
Isang alitan ang mamumuo sa pagitan nila hanggang malaman ni Sandra na buntis siya sa anak ni Eric. Mapuno kaya ng poot ang puso ni Sandra o matutunan kaya niyang patawarin ang mga nagkasala sa kanya?
Sa ilalim ng direksyon ni Jerry Lopez Sineneng at panulat ni Jun Lana, tampok din sa Star Cinema movie sina Raymond Bagatsing, Maila Gumila, Nida Blanca, Edu Manzano, at iba pa.
Patuloy na nagbibigay-pugay ang Sagip Pelikula Festival sa karera ni Maricel sa pagpapalabas pa ng iba pang mga pelikula niya na digitally restored tulad ng Mila, Ikaw Pa Lang ang Minahal, John & Marsha ‘85 sa Probinsya, Separada, Minsan Lang Kita Iibigin, at Inagaw Mo ang Lahat sa Akin na nag-start din kagabi sa KTX.
Anyway, tuloy din ang adhikain ng ABS-CBN Film Restoration at ang proyekto nitong Sagip Pelikula na ibalik ang dating ganda ng mga klasikong pelikulang Pilipino.
Dahil dito, kinilala na ng ilang award-giving body ang inisyatibo nito, tulad nalang ng makatanggap ito ng Gold Quill award mula sa International Association of Business Communicators, at ng Gawad Pedro Bucaneg mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas. Anyway, tuloy din ang adhikain ng ABS-CBN Film Restoration at ang proyekto nitong Sagip Pelikula na ibalik ang dating ganda ng mga klasikong pelikulang Pilipino.