^

PSN Showbiz

Manilyn, laging naaalala na ‘dI nahawakan ang tatay nang mamatay

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Manilyn, laging naaalala na ‘dI nahawakan ang tatay nang mamatay
Manilyn at ama

Hindi napipigilan ni Manilyn Reynes na maging emotional kapag napapag-usapan ang kanyang amang namayapa. Mahirap daw talaga, lalo na ngayong nasa pandemic dahil ang daming bawal lalo’t nasa Cebu pa ito.

Mabuti na lang at pinayagan naman daw silang bumiyahe pa-Cebu at nandun daw silang buong pamilya. Pero ang malungkot lang ay hindi raw nila mahawakan o nayakap dahil nasa hospital ito.

“Alam ko ang pinagdaanan ng mga tao ngayon, na to think nga ang kay Daddy was not COVID hindi ba?” pahayag ni Manilyn sa nakaraang mediacon ng season-ender ng Pepito Manaloto kasama si Michael V.

Na-realize nga raw niya na tiyak na mas mahirap pa raw ang pinagdaanan ng ibang tao na namatayan ng mahal sa buhay dahil sa COVID-19. “We’re also for the people na mga nawalan ng mahal sa buhay na COVID talaga ang naging dahilan. How much more  na hindi mo talaga mahawakan. We were there, nasa tabi kami pero hindi namin mahawakan o mayakap.

“We were also scared kasi nasa hospital nga kami. Sinabi na rin namin sa kanya na mahirap. Hindi basta-basta mawawala ‘yung pakiramdam, ‘yung lungkot, palagi kang balik-balikan. Tatraydurin ka nga eh, sabi nga nila. Can you imagine ‘yung naranasan ng iba, ‘yung pandemic na biglaan talaga. Iyon ang masakit sa loob talaga,” sabi naman ni Bitoy.

“Oo, ‘yung akala mo nga hala ngiti-ngiti, pero ‘pag mag-isa ka na naman, ayan babalik na naman,” dugtong ni Manilyn na aminadong hanggang ngayon ay dumarating pa rin ang lungkot sa pagpanaw ng kanyang ama.

Ngayong gabi ay mapapanood na ang huling kabanata ng kuwento ni Pepito Manaloto.

DJ Loonyo, babalik ng China

Mabigat sa dibdib ni DJ Loonyo ang iwan ang All-Out Sundays dahil nga sa partisipasyon niya bilang headhunter sa bagong ultimate P-Pop search ng TV5, ang PoPinoy na magsisimula na sa June 13.

Nanghinayang din daw siya kasi sa bagong opportunity na mapabilang siya rito sa PoPinoy dahil dito ay maibabahagi rin daw niya ang kanyang alam sa pagsasayaw. “Nag-decide na po ako na pasukin ang PoPinoy kasi magandang opportunity rin po ‘yun, and as headhunter, magagamit din po ‘yung knowledge ko as dancer to help and influence,” saad ni DJ Loonyo na itinext sa amin ng kanyang manager.

Pero tiyak na mami-miss daw niya ang All-Out Sundays dahil maganda ang feedback sa segment nilang Cypher kasama ang ibang dancers at Kapuso stars. Madalas na may inputs din daw siya sa choreography nito na nagagamit nila. “Kaya, hindi po naging madaling desisyon kasi importante rin po sa akin ang AOS at malaki ang utang na loob ko sa kanila,” pakli pa ni DJ Loonyo.

Pero pagkatapos nitong pandemic ay maaaring babalik din si DJ Loonyo sa China na kung saan siya ang choreographer doon sa isang dance studio at ginawa pa raw siyang CEO ng Chinese owner nito.

Naka-leave lang daw muna siya, at kailangan niyang balikan ang responsibilidad niya roon kapag puwede nang bumalik doon sa China, pagkatapos nitong pandemya.

Samantala, marami pa ring sayawan sa All-Out Sundays bukas. Isa nga sa hahataw ng sayaw ay si Mark Herras na may special participation sa All Out Stage challenge kay Mark Bautista na hahataw ng mga kanta ni Bruno Mars.

MANILYN REYNES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with