^

PSN Showbiz

Self-swabbing ni Robin, supalpal kay Sec. Duque!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Self-swabbing ni Robin, supalpal kay Sec. Duque!
Robin
STAR/ File

Habang sinusulat namin ito ay wala pang buwelta si Robin Padilla kay Health Secretary Francisco Duque III na nagsabing bawal ang self-swabbing. “Hindi puwedeng sariling gawin ‘yan dahil ang resulta ay magiging kuwestyonable dahil kung hindi ito naaayon sa tamang pamantayan ay kaduda-duda ang magi­ging resulta. Hindi dapat ginagawa ‘yan,” banggit ni Sec. Duque sa press briefing kahapon.

Nauna nang nangatuwiran ang aktor sa ipinost na pagsa-swab sa sarili dahil hindi dumating ang nurse at tinawag pa nitong katarantaduhan at kawalanghiyaan ang pagpuna sa ginawa niya.

Aniya, walang pumipilit na gawin ito. “Gawain po ito ng mga sanay na sa testing at magbanat ng mga Buto, lalo kapag kailangan makisalamuha sa mga katrabaho lalong lalo sa gitna ng karagatan. Tanggapin niyo man po o hindi sadyang may mga taong katulad namin na hindi pa baby, hindi aasa na Lang sa magaganap! Ang lahat ng paraan ay gagawin ng isang mandaragat para makapagpatuloy na makapaglayag. Kung meron nurse o doctora abay napakaganda pati sa tanawin pero kung wala at sanay ka ng katulad po namin dahil sa isang linggo ay 3 beses po naming ginagawa ang swab test eh MANHID na Lang ang butas ng Ilong ng Taong hindi po matuto. Kaya hindi tayo umaasenso mga kabayani. Malakas ang loob natin sa katarantaduhan at kawalanghiyaan pero kapag sa kapakanan ng sarili at ng mga kasama sa Paligid mo ang dami natin NGAW NGAW kesa sa gawa. Konting balls lang naman po ang kailangan mga TOL.”

Sino kaya sa kanila ni Sec. Duque ang kakampihan ni Pres. Digong? Parehong kakampi ng presidente ang dalawa.

At siguro naman hindi na ito magiging national issue at hindi na iimbestigahan sa senado.

ROBIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with