Novelistang si Paulo Coelho nabawasan ang followers nang i-congratulate ang BTS

Paulo Coelho
STAR/ File

Oh my God, pati ang sikat at mahusay na novelist na si Paulo Coelho, BTS fan din pala.

Pero ayon sa kanyang Tweet, nabawasan ang kanyang followers matapos niyang incongratulate ang grupo sa new single nilang Butter :  “Over 100.000.000 views in 24 hr!” with hashtags #BUTTER100M #ARMYPurple

Pero ‘yun nga, hindi lahat ng 15 million followers niya ay natuwa sa nasabing tweet.

Latest tweet niya “I am losing a lot of followers because I posted a tweet congratulating  @BTS_twt  but this is the price to pay when you support people you admire. The boys overcame so many difficult moments, prejudices, etc.  and THEY WON!!!”  with purple hearts emojis.

Pero hindi raw siya worried “I am not worried AT ALL.”

Grabehan talaga ang suporta ng fans all over the world sa BTS.

Paulo Coelho ‘yun na isa ring Brazilian lyricist at sikat na novelist.

Kabilang sa mga libro niyang must read ang The Alchemist (1988), Brida (1990), Manuscript Found in Accra (2012), at marami pang iba.

Record breaking nga agad ang nasabing all new English song ng BTS na 129 million views agad-agad sa YouTube after a day nang released nila.

Ang naunang all-English song nilang Dynamite debuted number one sa Billboard Hot 100.

Ang global sensations ang nangunguna sa Live Smarter, Live with Purpose ng Smart Communications at weeks ago lang nang magkaroon sila ng virtual media conference with the local press.

Show comments