AHA! 11 years na
Ngayong Linggo (May 23), kasabay ng ika-11 taon ng award-winning infotainment show na AHA! ang launch ng collaboration nito sa popular na social networking service na TikTok -- ang #AHAmazingLearning.
Sa pamamagitan ng #AHAmazingLearning, eksklusibong mapapanood sa platform ang fun educational videos ng AHA! habang maibabahagi naman ng sikat na TikTok creators ang kanilang kapaki-pakinabang na content sa telebisyon.
Sa kauna-unahang pagkakataon din, ipakikilala ng host na si Drew Arellano ang bagong cute at lovable mascot na si Tuklas na regular nang makakasama sa fun dance portions ng programa at sa paghahatid ng trivia at iba pang mahahalagang impormasyon.
“I feel very happy and honored to be part of a very fun and educational show for the kids,” pagbabahagi ni Drew. “A lot has changed over the years as we have constantly adjusted to what the viewers would like to watch and learn.”
Nagpapasalamat naman ang Kapuso host sa lahat ng avid viewers ng show.
- Latest