Morissette nilabas ang shine para sa ika-25 anibersaryo ng kanta

Morissette

Matapos mag-trending ang kanyang cover ng Shine, inilabas na ni Morissette ang opisyal na recording niya ng nasabing kanta kahapon, Friday, bilang selebrasyon ng ika-25 anibersaryo ng kanta.

Ang rendisyon ng Asia’s Phoenix sa Shine ay isang pagpapakilala muli rito tampok ang original lyrics ng awiting isinulat ng multi-awarded songwriter na si Trina Belamide.

Nakipagsanib-pwersa ngayon si Trina sa Star Music para sa nasabing reimagination ng kanta na unang inawit ni Ima Castro at binigyang-buhay rin ni Regine Velasquez-Alcasid.

Nakipag-partner naman ang OPM hitmaker at ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo sa Filipino-American musical director na si Troy Laureta para bigyan ang Shine ng gospel waltz vibe habang pinapanatili ang kabuuang tunog nito.

Inilunsad ang version ni Morissette pagkatapos niyang iperform ang kanta nang ilang taon sa iba’t ibang okasyon.

May higit 7.9 million views na ang kanyang YouTube performance video nito sa Wish Bus at naghatid din ito ng reaction videos mula sa voice coaches na galing sa iba-ibang bansa na talagang napabilib sa kanyang rendisyon.

Ang kanta ay isang Metropop entry na unang ni-record ni Ima at pinerform ng live ni Sweet Plantado sa 1996 Metropop Song Festival sa Araneta Coliseum kung saan hinirang itong second place.

Marian ‘di idinisplay ang padala sa PGH

Hindi ipinost ni Marian Rivera sa kanyang social media accounts, pero nagpadala pala siya ng maraming diaper sa PGH para sa mga baby na in-evacuate matapos masunog ang isang area ng nasabing government hospital.

Four hours tumagal ang nasabing sunog almost a week ago.

Consistent si Marian and Dingdong Dantes sa pagbigay ng tulong ngayong may pan­demya pa rin at marami talagang nangangailangan.

Pero ‘di sila ma-display sa social media, ‘di tulad nung ibang celeb na todo ang pagpo-post ng mga tinulong nila.

 

Show comments