^

PSN Showbiz

Ate Guy, ‘di pinagkalat ang birthday community pantry

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Ate Guy, ‘di pinagkalat ang birthday community pantry
Nora Aunor

Big day ng Superstar na si Nora Aunor kahapon, May 21. Ito ang kanyang 67th birthday kaya kumalat ang birthday greetings para kay Ate Guy sa social media.

A day before Ate Guy’s birthday, nagpadala siya ng gatas, vitamins at diapers sa Child Hauz. Lugar ito ng mga batang may sakit.

Ayon sa kanyang confidante, ang writer na si Rodel Fernando, hindi na niya pinapunta si Ate Guy dahil may nag-positive sa COVID-19 doon.

Sa mismong araw ng kaarawan kahapon, nagtayo ang Superstar ng community pantry ng 8 a.m. Ginanap ito sa Barangay San Rque, Bagumbayan, Quezon City.

Ayon kay Rodel, “Very organized dahil bago pa man ay naayos na kung sinu-sino ang bibigyan. May social distancing at hindi nagkagulo ang mga tao!”

Hindi raw in-announce ni Ate Guy na magsasagawa siya ng pantry kahapon kaya very smooth ang bigayan.

Maligayang kaarawan, Ate Guy!

Sa totoo lang, kahit 67 years old na, patuloy pa ring mabenta sa TV at pelikula si Nora. Nasa post-production na ang movie niyang Kontrabida under Godfather Productions.                                       

 

 

NORA AUNOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with