Luis, kakandidato sa 2022?!

Luis
STAR/ File

Marami ang nagtatanong kay Luis Manzano kung posible bang pasukin ng aktor ang pulitika. May plano nga bang maglingkod sa bayan ni Luis? “Wala pa pero malay natin. Nakikita ko, baka naman nasa horizon ‘yan, ang pagiging isang pulitiko. Naniniwala ako na lahat tayo meron tayong obligation or responsibility to serve. We have different capacities. Puwedeng from a simple act of service, or through public service talaga. Para sa akin, hindi ko sinasara ang pinto ko sa pulitika,” makahulugang pahayag ni Luis.

Sa Oktubre ang deadline ng filing of candidacy para sa 2022 election. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay posibleng tumakbo si Luis para sa susunod na halalan. “Tingnan natin kung tatakbo ako. Tingnan natin kung anong posisyon. Ang filing ng candidacy ay October, kung hindi ako nagkakamali. Puwedeng-puwede pang humabol, kung sakali man,” dagdag pa ng TV host.

Lorin, noon pa gustong mag-showbiz

Sumabak na rin sa show business ang panganay na anak nina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas na si Lorin Gutierrez. Kamakailan ay pumirma ng eksklusibong kontrata si Lorin sa Viva Artists Agency. “I’ve been waiting when’s the right time  to finally do this and finally follow in my family’s footsteps. And now that I’m almost 18, it just feels right. It feels like I’m comfortable finally,” bungad ni Lorin.

Wala umanong nag-udyok sa dalaga na pasukin ang show business. Maglalabingwalong taong gulang na si Lorin kaya nakakapagpasya na para sa sarili. “Never naman sinabi ng family ko na kailangan mong gawin ito ngayon or they never tried to rush me. They never tried to pressure me so parang everything was on my own pace and now I’m ready. I’m excited. Wala naman akong takot or nervousness,” giit niya.

Hindi na rin daw nagpaalam si Lorin sa ama sa ginawang pagpasok sa showbiz. “I didn’t necessarily get permission. Hindi naman ako nagtanong ng ‘Hey! Is it okay if I do this?’ But there’s an open line of communication po between my mom and my dad. They still communicate, co-parent me and Venice as best as possible. And my mom definitely informed him of it. Hindi naman siya blind in everything that’s happening in my life and we update him with what’s happening and take into account and respect his opinion naman. Pero my decision to join showbiz was fully my own,” pagtatapos ni Lorin.

(Reports from JCC)

Show comments