Ate Vi, hindi atat magpabakuna
Maraming mga artista ngayon at iba pang personalities ang nag-uunahan sa pagpapabakuna laban sa COVID.
Mayroon pa ngang nagmamalaki na nagpunta pa sa abroad para makapagbakuna ng choice nila, at hindi gaya rito sa atin na hindi naman tayo makakapili kung ano ang isasaksak sa atin.
Natural kung may pera sila at may kakayahan, sino nga ba ang pipigil sa kanila kahit na mag-abroad pa para pabakuna lamang.
Pero kapansin-pansin na si Congresswoman Vilma Santos ay tahimik lang tungkol dito. “Actually gusto ko, at kung susundin lang ang umiiral na protocol, kasama ako sa A2 category na puwede na talagang mag-avail ng bakuna. Pero naniniwala ako na may mas dapat na bigyan ng priority, iyong mga mahihirap nating mga kababayan.
“Hindi issue iyong gusto mo o ayaw mong magpabakuna, ang point is inaamin naman natin na kulang pa ang bakunang nakukuha natin, kaya dapat unahin na iyong mas kailangan,” sabi ni Ate Vi.
“Kung dumating na iyong lahat ng mga inaasahan nating bilang ng bakuna, kahit na ano pang bakuna iyan at saka na siguro ako magpapabakuna rin. Isa pa may anti-flu vaccine na rin naman ako. May anti pneumonia, at iyan ay makakatulong na rin naman laban sa COVID,” sabi pa ni Ate Vi.
GMA, lumobo ang kita
Ipinagmalaki ng GMA 7 na ang kanilang network ay nangunguna hindi lamang sa ratings. Kung ‘di ganoon din sa revenue o malaking kita, at sa reach o naaabot ng kanilang mga programa. Iyan ay dahil sa advantage nila bilang network na may pinakamalakas na signal na 150 KW, dahil nakasara na ang isa pang network na kapareho nila ang lakas ng signal. Bukod doon, nang masara nga ang ABS-CBN, ang GMA na lang ang may pinakamaraming istasyon ng radyo at telebisyon na nananatiling on the air sa Pilipinas.
Sa kanilang report sa investors, sinabi nilang nakapagrehistro sila ng pinakamalaking kita sa unang quarter pa lamang ng 2021, at inaasahan nilang mananatili iyon habang nakasara ang kalaban nilang ABS-CBN.
Ang pinakamalakas na kalaban nila ngayon ay ang TV5 na lang, dahil ang iba pang networks ay kontrolado nang lahat ng gobyerno o mga malilit at non-commercial religious channels.
- Latest