Panloloko ni Nikko, nahuli sa akto ng partner!

Aminado si Nikko Natividad na minsan na siyang nagloko sa relasyon nila ni Cielo Mae Eusebio. Ayon sa aktor ay nahuli siya noon ng partner kaya hindi na ito naulit pa. “Nagloko ako sa kanya isang beses. Nagpapasalamat ako sa Diyos na ‘yung unang pagloloko ko sa kanya, nahuli niya agad ako. Buti pala nahuli niya agad ako. Kasi kung hindi niya ako nahuli, uulit-ulitin ko ‘to eh. Inamin ko sa kanya, sabi ko nagkamali ako. Buti na lang maaga pa lang nagkamali na ako. Pinatawad niya ako, parang sabi niya, huwag mo nang ulitin. Kasi lahat ng pag-aawayan natin mapag-uusapan, pero kapag may pumasok na ibang tao, ‘di na raw niya kakayanin,” pagbabahagi ni Nikko.

Mula noon ay tumatak na sa isipan ng aktor ang kasabihang ‘Kung ayaw mong gawin sa ‘yo, huwag mong gawin sa iba.’ “Sobrang basic niya pero malalim ‘yon ‘di ba. Ako hindi ako nagbubuhat ng bangko. Lalo sa celebrity, may mga babae diyan na pumapatol sa lalaki kahit alam nilang may karelasyon. Maraming nagme-message po na, okay lang kahit may asawa ka, may girlfriend ka, kahit tago. Sabi ko, labanan lang ng focus ‘yan. Huwag magpapatukso, ‘yon lang po talaga, at siyempre takot sa Diyos,” paglalahad ni Nikko.

Angel, pinababayaan ang anak sa pag-aartista

May bulung-bulungan na posible nang magwakas ang teleseryeng FPJ’s Ang Probin­syano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Kabilang din sa serye si Angel Aquino at ayon sa aktres ay talagang hindi pa rin nila alam hanggang ngayon kung ano ang kahihinatnan ng programa. “We’re scheduled for our ultimate last lock-in, but we still don’t know that. Hindi nga natin alam but we’ll see. ‘Yung lahat, naka-ending mode na kami. But we still don’t know if ABS will decide to extend the show or what,” pahayag ni Angel.

Malaki ang pasasalamat ng aktres dahil ilang taon na siyang bahagi ng nangungunang teleserye sa bansa. “Truly grateful, God knows kasi what’s best. So He knows ‘di ba that I need to provide for the girls (mga anak ng aktres). Absolutely grateful. There’s no other fee­ling I have. No more questions, no more doubts, just really gratitude that I feel for He who knows what’s best for everyone,” makahulugang pahayag niya.

Samantala, nakikilala na rin ngayon sa industriya ang anak ni Angel na si Iana Bernardez bilang isang producer at aktres. Ginagabayan lamang umano ni Angel ang anak pagdating sa trabaho. “She always talks to me, she always asks me for comments and tips ganyan. And we always talk, but she always has to be her own person. She has to learn the ropes. So I just let her, every now and then I give her pointers, too. But ultimately, she would have to make her own discoveries and learnings, ganyan,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

Show comments