Nagkatrabaho noong 2012 sina Janice de Belen at Gerald Anderson para sa teleseryeng Budoy. Pagkalipas ng ilang taon ay napabalitang may espesyal na ugnayan diumano ang dalawa. “Hindi ba na-link kami for a while, wala naman talagang ili-link. It’s just that for the longest time that we worked together at kahit na no’ng hindi kami nagwo-work together. He is really a brother to me. Super brother ang tingin ko sa kanya. Brother, barkada, kasi napagkukuwentuhan namin ang kahit ano,” paglilinaw ni Janice.
Ayon sa batikang aktres ay talagang malapit na kaibigan ang turing niya kay Gerald katulad kina Enchong Dee at Rayver Cruz. “I share the same kind of friendship with Enchong, with Rayver. So I share the same kind of friendship. So non-issue siya but hindi ko alam kung bakit naging issue,” giit niya.
Nagbago umano ang magandang samahan nina Janice at Gerald mula nang pumutok ang isyu tungkol sa kanila noon. “Ang hirap sa trabaho natin kasi kapag natsismis ka na, na-link ka ng ganyan. Whether you like it or not, totoo o hindi, it destroys friendship. Hindi naman destroyed ang friendship namin but our friendship has changed,” makahulugang pahayag ng aktres.
Kean, tatlong taong ginawa ang sariling album
Pagkalipas ng mahigit isang dekada ay naisipan ni Kean Cipriano na gumawa ng album bilang solo artist. Matatandaang matagal naging bokalista ng bandang Callalily si Kean. Inabot umano ng tatlong taon bago pa natapos ang bagong proyekto sa sariling record label na OC Records. “Plano ko talaga mag-release kaagad ng album. But dahil kumbaga nasa executive side ako no’ng business, na-stall siya kasi inuna namin mga releases ng ibang artists. Dahil nasa back end ako ng music ngayon. So ‘yung energy ko rin napupunta sa iba’t ibang artist which is super challenging for me as an artist dahil parang parang pagdating do’n sa sarili mong gawa pagod ka na,” pagbabahagi ni Kean.
Anim mula sa siyam na kanta sa Childlike album ang isinulat mismo ni Kean. Nanibago raw ang singer ngayon dahil nakasanayan na palaging kasama ang miyembro ng banda noon sa bawat ginagawang proyekto. “Parang nagsisimula ako ulit ng career ngayon eh. From scratch with this solo effort. So ‘yon ‘yung lumabas na album title. Sakto na din unang ginagawa ko ‘yung record, sobrang free no’ng pakiramdam, para akong nasa playground. Para akong naglalaro lang talaga na bata sa Kids At Work. Parang gano’n ‘yung pakiramdam na every time na nagre-record ako, every time na naka-collaborate ako with different musicians, tapos naririnig ko ‘yung track, para akong bata ulit na ‘yung excitement, ‘yung pagiging giddy, ‘yung pagiging raw na it’s super hard for me to put myself back there again. Kasi ang dami ko na na-experience sa karera, so ito ‘yung album na bata ako ulit talaga,” paliwanag ni Kean. (Reports from JCC)