Pelikula ni Snooky, matutuloy na ang showing sa Manhattan filmfest

Snooky
STAR/ File

Malugod na ibinalita ng Film Development Council of the Philippines sa Facebook account nito na magkakaroon ng screening ang pelikula ni Snooky Serna na In The Name of the Mother sa International Film Festival Manhattan (IFFM) Spring 2021 simula sa May 28.

Matatandaang naging bahagi ang movie ng 2020 Asian Film Festival Barcelona’s NETPAC Section sa Spain.

Hindi man maipalabas sa bansa, at least, may international film festivals na napupuntahan ang movie, huh!

Ilang beses nang naudlot ang showing ng In The Name of the Mother sa bansa dala ng pandemya na dulot ng COVID-19.

Mula ito sa direksyon ni Joel Lamangan under Heaven’s Best Entertainment.

Manilyn, pinasaya ang vaccination site

Nagulat ang lahat na naghihintay na mabakunahan sa isang lugar sa Maynila nang biglang sumulpot si Manilyn Reynes!

Naibsan kahit paano ang bagot sa pila at agam-agam sa pagbabakuna sa presence ni Manilyn sa venue.

Agad na nagpulasan sa pila ang ibang magpapabakuna para magpakuha ng litrato kay Mane.

Magiliw namang pumayag ang aktres sa hiling nga mga tao na may ingat din sa pagpapalitrato sa  mga tao, huh!

Show comments