MANILA, Philippines — Hindi mapalagay ang Filipina model at dating pageant representative na si Gazini Ganados pagdating sa kaligtasan ng kanyang ama't mga kapatid sa Palestine habang umiigting ang tunggalian nito sa bansang Israel.
Kamakailan lang nang bombahin ng mga Israelita ang mga Palestino, dahilan para mamatay ang 42 kasama ang 10 bata. Mahigit 200 na ang patay sa panig ng mga Palestinian habang halos 10 na ito sa mga Israeli.
Related Stories
"I can only imagine the trauma my brothers and sister are going through and hope for them to still remain kind and hopeful in this cruel situation. Praying for everone's safety," ani Gazini sa Instagram, Martes, habang ipinakikita ang video call kasama ang ama sa Gaza City.
"Give your loved ones a hug, a kiss and show them how much you truly love and care before it's too late."
Hanga naman si Gazini sa kanyang tatay dahil nakukuha pa raw niyang ngumiti sa gitna ng kaguluhan.
Matatandaang Enero taong 2020 lang nang unang beses makasama ni Gazini ang kanyang ama, bagay na hindi nakalakhan ng Cebuana sa mahigit 30 taon.
Nababahala ngayon ni Miss Universe Philippines 2019 @gazzzini para sa kaligtasan ng ama at mga kapatid sa Palestine habang nagaganap ang air strikes mula sa gobyerno ng Israel.
— James Relativo (@james_relativo) May 18, 2021
Sigaw tuloy ng Pinay-Palestinian beauty queen, #FreePalestine. @PhilstarNews @PilStarNgayon pic.twitter.com/gZyZWExtZa
'#FreePalestine'
Panawagan tuloy ng Pinay-Palestinian beauty queen — na naging Miss Universe Philippines 2019 — #FreePalestine.
Parehong inaangkin ng Israel at Palestine ang Lungsod ng Jerusalem bilang kanilang kabisera (capital). Gayunpaman, Israel ang direktang namamahala rito.
"We know too well that our freedom is incomplete without the freedom of the Palestinians," paskil pa ni Gazini habang sinisipi ang dating South African na si Nelson Mandela.
Kita din sa kanyang Instagram story ang sumusunod na sipi kaugnay ng Israeli-Palestinian conflict, bagay na nagresulta na ng pagkamatay ng maraming sibilyan at mga menor de edad. @PhilstarNews @PilStarNgayon pic.twitter.com/E3S6E3AIVt
— James Relativo (@james_relativo) May 18, 2021
Simula noong maitatag ang estado ng Israel noong 1948, kapansin-pansing papaliit nang papaliit ang teritoryong okupado ng mga Palestino.
Gaya ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, matatandaang nakapasok din sa top 20 ng Miss Universe 2019 si Gazini.
Una nang sinabi ni Labor Attaché to Israel Rudy Gabasan na inutusan na naghahanda na silang ilikas ng nasa 300 overseas Filipino workers sa Israel, kung saan gagawing prayoridad ang Ashkelon at Ashdod.
Tinatayang nasa 30,000 OFWs ang nananatili ngayon sa bansang Israel. — James Relativo