^

PSN Showbiz

Gazini Ganados nababahala para sa pamilya sa Palestine bunsod ng Israeli air strikes

Philstar.com
Gazini Ganados nababahala para sa pamilya sa Palestine bunsod ng Israeli air strikes
Litrato ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados (kaliwa) at kanyang Palestinian father (kanan)
Mula sa Instagram ni Gazini Ganados

MANILA, Philippines — Hindi mapalagay ang Filipina model at dating pageant representative na si Gazini Ganados pagdating sa kaligtasan ng kanyang ama't mga kapatid sa Palestine habang umiigting ang tunggalian nito sa bansang Israel.

Kamakailan lang nang bombahin ng mga Israelita ang mga Palestino, dahilan para mamatay ang 42 kasama ang 10 bata. Mahigit 200 na ang patay sa panig ng mga Palestinian habang halos 10 na ito sa mga Israeli.

"I can only imagine the trauma my brothers and sister are going through and hope for them to still remain kind and hopeful in this cruel situation. Praying for everone's safety," ani Gazini sa Instagram, Martes, habang ipinakikita ang video call kasama ang ama sa Gaza City.

"Give your loved ones a hug, a kiss and show them how much you truly love and care before it's too late."

Hanga naman si Gazini sa kanyang tatay dahil nakukuha pa raw niyang ngumiti sa gitna ng kaguluhan.

Matatandaang Enero taong 2020 lang nang unang beses makasama ni Gazini ang kanyang ama, bagay na hindi nakalakhan ng Cebuana sa mahigit 30 taon.

 

 

'#FreePalestine'

Panawagan tuloy ng Pinay-Palestinian beauty queen — na naging Miss Universe Philippines 2019 — #FreePalestine.

Parehong inaangkin ng Israel at Palestine ang Lungsod ng Jerusalem bilang kanilang kabisera (capital). Gayunpaman, Israel ang direktang namamahala rito. 

"We know too well that our freedom is incomplete without the freedom of the Palestinians," paskil pa ni Gazini habang sinisipi ang dating South African na si Nelson Mandela.

 

 

Simula noong maitatag ang estado ng Israel noong 1948, kapansin-pansing papaliit nang papaliit ang teritoryong okupado ng mga Palestino.

Gaya ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, matatandaang nakapasok din sa top 20 ng Miss Universe 2019 si Gazini.

Una nang sinabi ni Labor Attaché to Israel Rudy Gabasan na inutusan na naghahanda na silang ilikas ng nasa 300 overseas Filipino workers sa Israel, kung saan gagawing prayoridad ang Ashkelon at Ashdod.

Tinatayang nasa 30,000 OFWs ang nananatili ngayon sa bansang Israel. — James Relativo

GAZINI GANADOS

ISRAEL

MISS UNIVERSE

PALESTINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with