Umiyak pa si Rabiya Mateo dahil sa mga bulisyaso sa kanyang national costume sa Miss U. May nagsasabing hindi raw nagamit ang head piece na kukumpleto sana sa costume niya.
Iyon naman pala kaya hindi na naisuot, masyadong mabigat at nalalaglag. May nagtatanong din kung bakit umikli ang damit eh sa original cut nito ay mahaba ito.
Naniniwala kami na maganda ang kanilang layunin sa costume na iyon, pero hindi ganoon ang ating mga nakaugaliang national costume. Nang makita namin iyon, ang pumasok sa isip namin ay iyong mga ginagamit sa gay pride parade at carnival sa Rio de Janeiro. Mayroon na bang okasyon na nakakita kayo ng Pilipino na ganoon ang kasuotan?
Nakakalungkot din dahil ang ginawa nilang national costume ay labag sa RA 8491, o ang tinatawag nating Philippine Flag and Heraldic law. Maliwanag na sinasabi sa paragraph 24-e ng nasabing batas na hindi pinahihintulutan ang paggamit ng bandila ng Pilipinas, o anumang bahagi noon o ano mang pagkakawangis noon bilang costume o
uniform.
At dahil iyan ay batas, ang paglabag diyan ay kasong kriminal. Wala bang nagsabi sa mga naghanda ng costumes ni Rabiya na may Philipine Flag and Heraldic Law at ang kanyang ipinakitang national costume ay maliwanag na paglabag sa batas?
Nagtataka nga kami eh, tahimik ang National Historical Commission. Dati may mga singer lang na nag-modify ng areglo ng national anthem tumatalak na sila. Ngayon bandera mismo ang ginawang costume ni Rabiya Mateo, bakit tahimik sila? Malaki ba ang kaibahan kung ang paglabag sa batas ay mangyari sa isang international boxing
tournament at sa isang beauty contest gaya ng Miss Universe?
Dapat bang gamitin ang bandera o ang wangis nito sa isang costume na ginagamit na parang sa mga gay beauty contest?
Kung nabubuhay pa ngayon ang mga national artist na sina Ramon Valera at Pitoy Moreno, ewan kung ano ang sasabihin nila sa ginagawang ganyan sa ating national costume.
Ruffa, may gusto pang patunayan
Nag-enroll pala si Ruffa Gutierrez sa Philippine Womens’ University ngayon at kumukuha ng kurso sa communication arts. Kung iisipin ninyo, ang karanasan ni Ruffa sa loob ng mahigit na tatlong
dekada na niya bilang isang artista at television host, aba eh ano pa nga ba ang kailangan niyang matutuhan.
Pero sinabi ni Ruffa na may nadagdag pa rin naman sa kanyang kaalaman, at gusto raw niyang ipakita sa kanyang mga anak, at sa iba rin ang kahalagahan ng edukasyon at iyong masabing may natapos ka sa pag-aaral.
Iba nga naman iyon, dahil hindi ba sa ngayon talagang tinatanong “ano
ba natapos niyan”.
Hindi mo naman masasabing artista lang si Ruffa sa habang panahon.
Sa kanyang kakayahang magsalita at mangatuwiran, iyan ang puwedeng-puwedeng maging spokesperson ng gobyerno, wholesome pa ang personalidad. Kaysa roon sa mga nakikita nating ibang spokesperson ng
gobyerno na basta nakita mo gusto mo nang patayin ang tv eh.
Digital prostitution, talamak na!
Aywan nga ba kung bakit pinapayagan ng ilang social media platforms ang tuwirang pagbebenta ng pornography, lalo na iyang mga gay porno sa kanilang paid sites.
Hindi rin naman namin malaman kung bakit tila binibigyan pa ng encouragement ng ilan sa media ang mga artistang lalaki na tuwirang inaamin na gumagawa sila ng self sex video para ipagbili sa internet.
Aywan namin kung kailan pa naging katuwiran na wala naman silang nai-istorbong iba sa kanilang ginagawa kaya walang may pakialam sa kanila.
Aywan kung tama rin ang sinasabi ng iba na wala silang nakikitang masama roon. Kahit na walang physical contact, ang katotohanang sila ay binabayaran para sa sex, kahit video lang, iyan
ay maliwanag na prostitusyon.
Ano ang kaibahan niyan doon sa nagsasayaw nang hubad, babae man o lalaki sa mga club? Kung tutuusin mas grabe iyan dahil hindi lang naghuhubad, may ginagawa pang malaswa.