LJ, hindi masyadong nginangarag ang mga anak

LJ
STAR/ File

Iba-iba ang journey ng Kapuso moms na sina LJ Reyes and Chynna Ortaleza. Sabi ni Chynna natuto siyang mag-magic : “Pwede ko pa rin sabihin talaga na magical journey for me dahil nama-magic ako minsan sa mga anak ko sa mga trick nila, sa mga kaugalian na lumalabas every single day na nadi-discover ko pero at the same time talagang masaya ako dahil nabigyan ako ng opportunity na maging magulang,” kuwento ni Chynna sa media conference with Kapuso moms last weekend.

Chika naman ni LJ sa pagiging ina sa dalawang anak : “Syempre everyone knows naman na dati single mom ako and then now we have a small family together with Pao (Paolo Contis). At lagi kong sinasabi sa mga nagtatanong sa akin na iba-iba ang phase ng pag-aalaga ng bata, from infant to toddler - ngayon kasi meron na akong pre-teen, jusko Lord!

“Alam mo ‘yun iba-iba talaga yung stage and pag tinanong ako ‘anong pinaka madaling stage?’ wala! Kasi iba-iba talaga siya. ‘Yung difficulty level niya hindi mo pwedeng i-compare sa isa’t isa,” pagbabahagi niya sa nararanasan sa pagpapalaki ng mga anak. “So ngayon, ang mahirap lang kasi magkalayo ang edad nila. So habang nag-aaral kami nung isa may malikot na isang bata. Medyo magulo talaga ‘yung bahay tapos kailangan mong magtrabaho,” dagdag nito.

Si Aki ay anak ni LJ sa relasyon nila ni Paulo Avelino at si Summer ang daughter nila ni Paolo.

Eh paano naman nila ginagawang busy ang mga anak ngayong talagang walang choice kundi mag-stay sa bahay? “As much as I want my kids to be busy and entertained, I also want them to learn na pwedeng ma-bore. Kasi hindi all the time pwedeng meron kang ipagawa sa kanila. I mean I know kasi this is a generation that super high technology na talaga and ang bilis lahat ng bagay.

“Most especially with Aki na sanay siya na ang daming ginagawa from school ganyan syempre medyo shorten na ‘yung school time nila kasi syempre iniisip din ng school ‘yung paggamit nila ng computer. Ayaw nila nang masyadong matagal but I always teach him nowadays na parang as much as I want you to be productive, meron ding downtime. Kailangan masanay ka rin na hindi all the time may ginagawa ka at busy ka. So ngayon pinapabasa ko siya ng books, alam mo ‘yun pag sinasabi niya sa akin wala na kong mababasang libro. Okay lang ‘yan, be creative,” mahabang sagot ni LJ.

Heart hindi agad natanggap na stepmom, tatay sa Sorsogon na titira!

Sobrang na-enjoy pala ng daddy ni Heart Evangelista ang Sorsogon kaya nagpagawa ito ng bahay.

Actually, na-vlog na ito ni Heart pero talaga raw sabi ng isang taga-Sorsogon, masaya ang tatay ni Heart sa probinsya ng mister niyang si Gov. Chiz Escudero.

Samantala, inamin ni Heart na hindi pala naging madali ang maging stepmom sa umpisa ng kasal nila ni Gov. Escudero na dating senador.

Sa kanyang latest vlog inamin niyang : “In the beginning, I must admit that it was very, very hard for me to adjust because I’m the youngest of my siblings. And again, I never really had total freedom in my life. And then finally, when I was married, I had all the freedom.

“But then, you know, I couldn’t make out with my husband anywhere in the house because we have kids. And that was really, really hard for me. I mean, making out was not the hard part, I’m just saying that the set-up was such an adjustment because I really had to mature and I wasn’t thinking my age. I was so much more immature during those times. So it was really hard for me, I would cry.

“We would be walking sa mall, and siyempre twins, so ‘yung isang kamay (ni Chiz), hawak ‘yung isa, ‘yung isa, hawak nung isa. Ako, taga bitbit ng paper bag sa likod. So ang sakit, sakit. Ganito ba talaga ‘yung gusto ko?”

Pero in the end, hindi na niya kayang iwan ang kambal na sina Quino at Chesi.

Show comments