Tawag nina Daboy, Douglas at Ricky, nakaka-miss!

Rudy
STAR/ File

One thing pala na you will real­ly miss, ‘yung regular na ginagawa ng mga taong close sa iyo.

Noong buhay pa si Rudy Fernandez, talagang inis na inis ako sa dalas ng tawag niya sa phone. Kahit gaano siya ka-busy, siguro mga 10 times siyang tumawag sa isang araw.

Isa ring addict sa phone si Douglas Quijano. Kahit kumakain iyan, kakausapin ka sa telepono.

Ang hilig ding laging tumawag, lalo ‘pag may narinig na issue.

Ganundin si Ricky Lo na sa umaga siya lagi ang first caller ko, at dahil alam niya na maaga akong matulog, mga 5 ng hapon tatawag iyan uli.

Usually, wala namang kawawaan ang pinag-uusapan namin, kung saan-saan lang napupunta, pero lagi ang haba ng conversations.

Nakakainis pa, dahil mahilig akong manood ng TV, at lately sa iPad sa mga pina-download ko, naiinis ako sa tawag sa telepono. Eh kaso nga, ‘pag hindi ko sinagot sa cellphone, tatawag pa rin sila sa landline. Kalokah talaga.

Pero nang mamatay si Rudy, miss na miss ko ang mga tawag niya, ‘yung paulit-ulit na tanong niya, ‘yung kakulitan niya.

Si Douglas naman, parang ‘yung calls niyang laging nagtatanong ng confirmation sa nabalitaan niyang issues. ‘Yung mga kuwentuhan namin tungkol sa mga alaga namin at kalokohan nila.

Si Ricky, every morning iyon ang una niyang tanong, laging ano ang sugar ko, kumusta sa Fairview, lumabas ba ako, hindi ba ako natatakot.

Noon, naiinis ako dahil bakit ba pati sugar ko dapat niyang malaman, bakit ba pati sked ko nakikialam siya, at bakit ba tinatakot niya akong lumabas ng bahay.

Now, when I wake up, I was waiting for that call, para bang incomplete na ang araw ko dahil wala na ang mga tawag na dati ay natatanggap ko.

Iyong kinaiinisan ko, iyon ngayon ang nami-miss ko. Talagang magulo ang buhay, ‘yung dating ayaw mo, hinahanap mo na ngayon.

Hay naku, I hate you guys, sinanay n’yo ako sa pagka-addict n’yo sa phone, ngayon hindi ako maka-move on.

Sige, tawagan n’yo ako, sasagutin ko kayo at hindi na ako magtatago.

Grabe talaga, sobra ko kayong na-miss, call na kayo, wait ako.

Show comments