Derek, tanggap na no. 2 lang sa buhay ni Ellen

Derek at Ellen
STAR/ File

“Number two” sa buhay ni Ellen Adarna ang tawag ni Derek Ramsay sa kanyang sarili dahil aminado at tanggap niyang number two lang siya sa buhay ng fiancee. Ang anak nitong si Elias ang number one at hindi niya ito kino-contest.

“I’m happy to be number two, because Elias should always be  her number one. I made it clear to Ellen that I’ll always be number 2 and I’m happy to be number two and Elias should always be her priority,” sabi ng aktor

Nilinaw din ni Derek na walang overlapping sa naging relasyon nila ni Ellen at sa relasyon nina Ellen at John Lloyd Cruz dahil matagal nang hiwalay sina John Lloyd at Ellen nang maging sila ni Ellen.

Samantala, nakauwi na si Ellen mula sa lock-in taping nila ni John Estrada para sa sitcom nila sa TV5 na John En Ellen at parang may pa-grand welcome sa kanya si Derek. Obvious na miss ni Derek ang fiancee sa ilang araw na hindi sila magkasama.

On the other hand, wala pang balita kung may project na sa GMA 7 si Derek, kapalit ng To Have and To Hold  kung saan, nag-beg off siya na gawin.

Flinex pala ni Derek sa kanyang Instagram ang kanyang walk-in closet cum shower room na mas gumanda dahil sa ginawa sa ceiling na kamagong wood ang inilagay. Bukod doon, may lights pa na ‘pag madilim, parang stars ang dating.

Myrtle nagkasakit, nasobrahan sa karne at kape

Nakakaalarma naman ang ikinuwento ni Myrtle Sarrosa nang mag-guest sa Mars Pa More hosted by Camille Prats and Iya Villania. Nabanggit ni singer-actress na nagkaroon sya ng chronic intestinal disease dahil nasobrahan ng kain ng karne at inom ng kape.

Ayon kay Myrtle, hindi naging maganda ang pasok ng 2021 sa kanya dahil nagkasakit nga at ang dahilan ay ang bad eating habits. Nakuha nga niya ang chronic intestinal disease sa sobrang pag-inom ng kape at pagkain ng karne. Kasi naman, pagkagising, iinom agad ng kape rason para tumaas ang acid sa katawan niya.

Tapos, puro karne pa ang kinakain at araw-araw pala kung kumain siya ng karne, ang nangyari, nahirapan ang body niya na mag-digest ng food. Mabuti na lang at mabilis na nadiskubre ang kanyang sakit at dahil dito, mas maraming fruits and vegetables na ang kanyang kinakain at nagbawas na sa karne.

Samantala, kasama si Myrtle sa cast ng Afternoon Prime na Nagbabagang Luha at excited ito dahil first teleserye niya ito.

Anne, palalakihin muna si Dahlia

bago magtrabaho?!

Kabilang si Anne Curtis sa binalikan ang pagkawala sa ere ng ABS-CBN.

Hindi pa bumabalik sa It’s Showtime si Anne at miss na miss na siya ng kanyang fans. Palalakihin pa yata nito ang anak nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia bago niya balikan ang kanyang showbiz career. Ang natatandaan namin, may gagawin siyang pelikula sa Viva Films after niyang manganak at ‘pag nakabalik na from Australia.

Juancho TL na TL sa asawa

Baby boy pala ang isisilang ni Joyce Pring, ang first baby nila ng asawang si Juancho Trivino at sa 28th birthday ni Joyce noong May 4, ipinakita nito ang sonogram ng kanilang baby boy. Nagpasalamat si Joyce sa greetings at birthday messages na kanyang natanggap, pero siguradong ang birthday message ni Juancho ang most important sa kanya.

Part ng birthday message ni Juancho sa asawa “To more milestones baba. You are always be my One true love. Happy birthday sweetheart.”

Show comments