Ogie, may bagong alagang singer

Poppert Bernadas

May pa-welcome ang ATeam (the Artist and Event management Company of Ogie Alcasid) sa singer and song writer na si Poppert Bernadas.

Hindi na neophyte si Popper sa industry. Bago pa siya naging finalist sa The Voice Philippines season 2 napanood na siya bilang miyembro ng Ryan Cayab­yab singers.

At sa pagpasok niya sa  ATeam mayroon siyang special Mother’s Day tri­bute sa pamamagitan ng single na Payakap Inay, na siya mismo ang nagsulat, with music by Toto Sorioso.

Tungkol ang kanta sa kanyang relasyon at pagmamahal sa kanyang namayapang ina.

Idi-distribute ito ng Star Music, na available na sa lahat ng digital music platforms.

Congrats, Popper.

 

Show comments