^

PSN Showbiz

Inigo, may bagong collab kasama ang international grammy-nominated artists

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Inigo, may bagong collab kasama ang international grammy-nominated artists
Inigo, Dj Flict at Common Kings
STAR/ File

Sunod-sunod ang international collaboration ni Inigo Pascual na maglulunsad ng bagong single niyang Danger kasama naman ngayon ang Fil-Am Grammy-nominated producer na si DJ Flict at kilalang island reggae group na Common Kings na mapapakinggan na simula sa May 14 (Biyernes).

Gaya ng hit single ni Inigo na Catching Feelings,  talagang mapapaindak ang mga makakarinig ng  Danger na tiyak na magiging bagong summer anthem.

Tungkol ang kanta sa pagkakagusto sa isang matapang na babae.

Ayon sa sumulat at nagprodyus ng kanta na si DJ Flict, na nakatrabaho na ang international artists gaya nina Lauryn Hill, Meghan Trainor, Wiz Khalifa, at Fifth Harmony, ginagawa pa lang niya ang kanta ay naisip na niyang babagay ito kay Inigo.

“Obviously he sounds amazing on it. I’m glad we could do this for the US, the Philippines, and everyone around the world,” aniya.

Kasama rin sa kanta ang Common Kings, isang reggae band na nakasungkit ng Grammy nomination para sa debut album nilang  Lost in Paradise.

Anila, unang beses pa lang nilang narinig ang kanta ay alam na nilang magiging ‘worldwide smash hit’ ito. “We can’t wait to perform it worldwide! So much love for the Filipinos all around the world.”

Bago ang Danger, nag-release si Inigo ng version niya ng All Out of Love ng Air Supply at nakibahagi rin sa multi-national song na Goodbye ng Korean-American artist na si Annalé kasama ang Brazilian-Japanese guitarist na si Mateus Asato at Malaysian trio na MFMF.

Ang mga international collaboration ni Inigo sa nakalipas na dalawang taon ay magiging bahagi ng kanyang Options album na nakatakda nang ilunsad sa June 25 at pwedeng nang ma-pre-order ngayon sa iTunes.

Puwedeng i-pre-save na ang upcoming single nina Inigo, DJ Flict, at Common Kings na Danger  bago pa ito lumabas sa iba’t ibang digital music services sa May 14 (Biyernes). ­Abangan din ang music video nito sa May 21.

‘Dibdibang’ streaming ipapakita sa KMJS

Dibdibang usapin at iba pang viral na kuwento ang tampok ngayong Linggo (May 2) sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Ang pagpapakita ng cleavage ng ilang babaeng online streamers dapat nga bang malisyahan at almahan o karapatan ba nila ito sa sarili nilang katawan? At ang pagpapalagay ng false eyelashes, naging dahilan para madisgrasya ang mata ng ilan.

Samantala, nagkagulo ang mga taga-Naujan, Oriental Mindoro nang tila nagpa-community pantry ang kalikasan at biniyayaan sila ng laksa-laksang mga isda. Ano kaya ang dahilan?

Isang 75-anyos na lola naman sa Cebu ang buwis-buhay na umaakyat sa matarik na bundok makapag-igib lang ng malinis na tubig.

Viral din ngayon ang pagbabagsak-presyo ng wedding supplies dahil ang bride na dapat gagamit nito, diumano, niloko ng groom? Here comes the bride: isisiwalat ang masasakit niyang pinagdaanan!

At ang huni ng isang klase ng ibon sa Bohol, hudyat daw na may mamamatay? Ang kinatatakutang huni sa kauna-unahang pagkakataon ay nai-record.

FILAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with