Nora, pumayag na caregiver!

Nora
STAR/ File

Napakagandang oportunidad para sa isang caregiver na makarating ng ibang bansa at kumita ng mas malaki pero paano kung sa kanyang pag-alis, bigla namang magkasakit ang kanyang asawa at maligaw ng landas ang kanyang anak?

Ngayong Sabado, panoorin natin ang nakakaantig na kwento ni Nancy – isang asawa at ina na sinakripisyo ang lahat upang maalagaan lamang ang pinakamamahal n’yang asawa at mailigtas sa masamang bisyo ang kanyang anak.

Simple at masaya ang buhay ng mag-asawang Nancy at Tony. Masipag silang magtrabaho dahil gusto nila ay makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak. Subalit, isang matinding pagsubok ang dumating sa kanilang buhay. Inatake sa puso si Tony at naospital. Naibenta nila ang kanilang mga jeepney at puwesto sa negosyo para lamang matugunan ang gastusin ni Tony sa pagpapagamot. Nahinto rin sa pag-aaral ang kanilang mga anak. Dahil dito, nagrebelde ang kanilang anak na si Jona. Nalulong ito sa droga, alak at nabuntis pa ng isang adik!

Nagpakatatag si Nancy para sa kanyang pamilya. Nag-aral s’ya bilang caregiver at naghanap ng trabaho. Nagkaroon s’ya ng maraming pasyente. Nakakabili na rin s’ya ng gamot para kay Tony at naipasok pa n’ya sa rehab si Jona. Hindi rin alintana ni Nancy ang sobrang pagod at hirap. Kaya n’yang hatiin ang oras sa trabaho para maalagaan ang kanyang pamilya.

Dahil sa husay ni Nancy bilang caregiver, inalok s’ya ng kanyang mayamang amo at pasyente na sumama sa ibang bansa. Handa raw sila na taasan ang kanyang sweldo, sumama lang s’ya.

Iwanan kaya ni Nancy ang kanyang asawa, anak at apo kapalit ng mas malaking pera sa ibang bansa?

O palalampasin na lamang ni Nancy ang magandang oportunidad na ibinibigay sa kanya?

Ngayong Sabado, tunghayan natin sa Magpa­kailanman, Ang Sakripisyong Isang Ina: The Nancy Cañares story.

Itinatampok ang nag-iisang Superstar, Ms. Nora Aunor, sa kanyang natatangi at mahusay na pag ganap bilang Nancy. Kasama rin sina Ricky Davao, Diva Montelaba, Angeli Bayani, Chlaui Malayao, Rexcy Evert, Mannix Mannix, Roy Sotero, Cathy Remperas at Enrico Reyes.

Fresh collabs paiinitin ang ASAP...

Fresh na fresh ang summer dahil sa mga nagbabagang dance and musical performance mula sa mga paborito ninyong Kapamilya idol ngayong Linggo (Mayo 2) sa ASAP Natin ‘To, sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Pakatutukan ang mga paborito ninyong idol sa ASAP stage, tulad nina AC Bonifacio, Jeremy Glinoga, Jameson Blake, Jason Dy, Nyoy Volante, Klarisse de Guzman, vocal trio iDolls, Joao Constancia, Jin Macapagal, at Vivoree Esclito.

Damhin ang summer groove sa song-and-dance number ng Asia’s Pop Heartthrob na si Darren. Exciting rock biritan ang dapat namang abangan mula sa new generation of ASAP divas na sina Elha Nympha, Sheena, Zephanie at Janine Berdin.

May soulful kantahan din mula sa new breed of singers na sina KD Estrada, Anji Salvacion, Diego Gutierrez, at Sam Cruz kasama ang TikTok star at on-the-rise artist na si Angela Ken.

Times three naman ang hugot sa senti sessions nina Divine Diva Zsa Zsa Padilla, Soul Siren Nina, at Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Abangan ang fresh collabs nina Mr. Pure Ener­gy Gary Valenciano at Iñigo Pascual, at ng Concert King Martin Nievera at si Bamboo.

Puno naman ng mensahe ng pag-asa ang mga awitin nina Gary V., Martin, Erik Santos, Zsa Zsa, at Regine sa The Greatest Showdown.

Show comments