Dean Devlin at Christian Kane ng Hollywood, todo puri sa mga Pinoy sa Almost Paradise

Dean
STAR/ File

Todo ang puri ng Hollywood producer na si Dean Devlin at Amerikanong aktor na si Christian Kane sa kanilang mga nakatrabahong Pilipino sa Almost Paradise, ang international crime drama series na umeere tuwing Linggo sa Kapamilya Channel at A2Z.

Sa panayam sa TV Patrol noong Martes (Abril 27), sinabi ng producer ng mga sikat na pelikulang Independence Day at Godzilla na hangarin nila sa  Almost Paradise na maipakita ang husay at kakayahan ng Pilipino.

“Our hope with our show is to not only make a show that people enjoy and show the Philippines in a light that I think is necessary, but also to expose this incredible talent,” ani Dean.

Maski ang bida ng palabas na si Christian ay maganda ang karanasan sa kanilang shooting sa Cebu bagong ang pandemya, kung saan naging malapit ang lahat sa isa’t isa.

“We became a family so quick and I’m not talking about just the actors. I’m talking about every single person on that set. This is one of the best crews if not the best crew we’ve ever worked with. Maraming salamat, Kapamilya,” sambit niya.

Show comments