Sharon Kiko 25 years na, Gabby naalala pa
MANILA, Philippines — Oh wow, may clamor ding magbida si Sharon Cuneta sa Doctor Foster na magkakaroon ng local adaptation.
At nag-trend pa ang SharonCunetaDrFosterPH kaya napa-react siya : “OMG! Thank you so much! Would absolutely love to play her!!! @direklauren @abscbn @nsyshows @angelsyang #drfosterph”
Ahhh. Maraming nagsabi na bagay kay Ate Shawie ang role ni Kim Hee-ae (real wife) sa Korean version nito pero may daring scenes ‘yun.
Wala pang sinasabi ang ABS-CBN kung sino ang magiging bida sa teleseryeng mas sumikat sa Korean drama na The World of the Married.
Pero kasama sa diumano’y candidate for the role sina Judy Ann Santos and Jodi Sta. Maria. Lumulutang din ang name ni Nadine Lustre, among others.
Nakuha ng ABS-CBN ang rights para sa local adaptation ng British drama series na Doctor Foster ang original title matapos makipagkasundo ng ABS-CBN Entertainment sa BBC Studios.
By the way, 25 years na pala sina Ate Shawie and Sen. Kiko Pangilinan pero in all fairness, lagi pa ring nakadikit sa pangalan ni Ate Shawie kay Gabby Concepcion.
- Latest