Pancho at Max, naiisyuhang hiwalay na

MANILA, Philippines — Bakit kaya naiisyung hiwalay na agad diumano ang mag-asawang Pancho Magno and Max Collins?

Pansin kasi ng follo­wers nila, hindi na sila nakikitang magkasama sa mga posting nila sa social media.

Ayon din sa chika, kanya-kanya na raw talaga ang dalawa at ang concern lang nila ngayon ay ang anak nila though walang nagko-confirm tungkol dito.

December 2017 sila nang ikasal at last July 2020 lang nanganak si Max sa first baby nila na si Skye Anakin.

Baka naman may pinagdaraanan lang ang mag-asawa at nagkanya-kanya lang sila ng space lately kaya hindi nakikitang magkasama.

 

 

Show comments