^

PSN Showbiz

Claire naalala ng anak na naabsuwelto sa kasong rape kay Dacera!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Naging emotional ang anak ni Claire dela Fuente na si Gigo de Guzman pagkatapos silang absuweltuhin sa Christine Dacera case na isinampa laban sa kanilang magkakaibigan.

Ibinasura nga ng Makati Prosecutor’s Office ang Rape with Homicide na kasong isinampa laban sa kanya kasama ang 10 pa niyang kaibigan. Hindi raw nila napigilang maiyak nang ibaba ang desisyon ng prosecutor’s office dahil naalala niya (Gigo) ang kanyang inang si Claire na kung buhay lang ito, siya sana ang pinakamasaya. “Matagal na po naming alam na inosente kami. Pero ‘yung narinig po namin yun, napaiyak po kami kasi limang buwan po naming pinagtatrabahuan yan, pinaglaban, tinitiis ang bashing, lahat po. Pati na rin po ang pagpanaw ng nanay ko, kailangan naming pagdaanan. So, ­naging emotional po kaming lahat. At least, nakahinga na po kami. Kasi hindi pa po tapos ‘yung istorya eh,” maluha-luhang pahayag ni Gigo nang makapanayam namin sa DZRH noong nakaraang Martes ng gabi.

“Sana nakita nya ito para nakakalma siya at hindi siya nag-aalala sa akin,” dagdag niyang pahayag.

Kaya nagdasal daw siya at bumulong sa Mama niya ng; “Ma, we did it.”

Hindi pa raw masasabing tapos na tapos na dahil meron pa raw silang pending na kaso sa imbestigasyon naman ng NBI. Meron din silang counter-complaint na isinampa laban sa ina ni Christine Dacera at ilang kapulisan. Hindi lang daw maalala ni Gigo ang iba pang mga involved, pero haharapin pa raw nila ito.

Bukod sa kasong ito ay sila lang daw ng kapatid niya ang humaharap sa matinding pagdadalamhati sa pagpanaw ng kanilang ina. Pinipilit daw nilang maging normal lang ang takbo ng araw-araw na buhay, sa tulong na rin ng mga kaibigan, at close friends ng kanilang ina, kagaya nina Imelda Papin at Eva Eugenio.

“Marami pong nagpapadala ng mensahe, ng support, ng pagmamahal. At least meron pong mga nagmamahal. Everyday po, at least nakaka-smile kami. So, sapat na po ‘yun. Step by step po namin gagawin ‘yun,” saad pa ni Gigo sa aming programa.

Bahagi na rin nang pag-move on ay ang magpatawad at nagawa na raw niya iyon

“So, wala na talagang masisisi sa pagpanaw ng nanay ko o sa kung ano man ito, isipin lang po natin kailangang magpatawad. Kahit gaano kahirap, kahit gaano kabigat ng naranasan namin, ‘yun na lang talaga ang gawin namin para sa sarili namin,” dagdag pa nito.

Direk Toto, hirap kalimutan ng mga nakatrabaho

Malungkot din ang showbiz sa pagpanaw ni direk Toto Natividad, dahil sa kumplikasyon sa COVID 19. Napag-usapan nga namin ito sa nakaraang mediacon ng bagong fantasy-drama series ng GMA 7 na Agimat ng Agila na kung saan nakatrabaho nina Sen. Bong Revilla at ilan pang stars ang namayapang direktor.

Kagaya ni Ian Ignacio na bahagi rin sa Agimat ng Agila na naging mentor daw niya talaga sa action si direk Toto Natividad.

Sabi nga ni Sen. Bong, malaking kawalan daw talaga lalo na sa action si direk Toto. “He’s really a big loss sa industry, lalo na sa action type of movie o sa teleserye.  Malaking kontribusyon ni direk Toto eh. Pero ito ay magsisilbing aral sa ating lahat. Dapat  talagang nag-iingat,” pakli ni Sen. Bong.

Dapat daw talagang doble ang pag-iingat na hindi tayo mahawaan nitong COVID 19, dahil hindi mo raw alam kung sino ang may dala ng virus na ito.

Kaya nga sa lahat na activities ni Sen. Bong, talagang dapat na may antigen o RT-PCR test ang lahat na mga taong involved at nakakasalamuha. Kagaya nga nitong gagawin na naman niyang pamamahagi ng tulong sa  followers niya sa Facebook, talagang dobleng ingat sila na kailangan lahat na pumapasok sa studio ng kanilang pa-game show ay dapat negative sa RT-PCR test.

Sa Sabado, May 1 ang Kap’s Amazing Agimat ng Agila giveaways na gagawing live sa kanyang Facebook account na magsisimula ng alas-singko ng hapon.

Mamimigay siya ng gadgets, kabuhayan showcase at cash prizes sa mga masuwerteng nakatutok dito.

Pagkatapos niyan ay diretso na sa GMA 7 para sa Agimat ng Agila na magsisimula ng 7:15 ng gabi.

CHRISTINE DACERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with