Mayroong mga bagay na natutunan si JM de Guzman dahil sa pagganap sa kanyang karakter bilang si Peterson Alvarez sa teleseryeng Init Sa Magdamag.
Kasamang bida ng aktor sa naturang proyekto sina Gerald Anderson at Yam Concepcion. “Sa pag-tackle ko siguro ng role, may mga natututunan din ako sa sarili ko. Like kung paano ako magmahal, kung paano ako humarap sa mga specific circumstances,” makahulugang pahayag ni JM.
Matatandaang kontrobersyal ang naging hiwalayan nina JM at Jessy Mendiola bilang magkasintahan noong 2015. Sa ngayon ay single pa rin ang binata at hindi umano nagmamadaling magkaroon ng bagong karelasyon. “Hindi ko alam eh, hindi ko nga alam kung magmamahal ako ulit eh. Trabaho muna siguro,” giit ng aktor.
Kahit walang nagpapatibok sa puso ni JM ngayon ay masaya naman ang aktor dahil sa bagong proyektong ipinagkatiwala sa kanya.
“Binabantayan ko ‘yung emotional state ko sa ngayon. Kakasimula ko lang ulit and I am really looking forward sa mga next chapters pa ng buhay ko. Ewan ko kung ano pa ang mangyayari pero I am preparing and making it stronger, more mature. Yes, I am content and happy dahil nabigyan ulit ako ng chance, itong show na ito,” pagtatapos ng binata.
Charlie, mas na-pressure na galingan matapos manalong best actress
Kahit nanalo na bilang Best Actress sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2020 at The EDDYS ay naniniwala pa rin si Charlie Dizon na malaki ang maitutulong ng acting workshops sa bawat proyektong kanyang gagawin. Bilang isang artista ay kinakailangan pa rin daw talaga na sumailam sa acting workshop bago sumabak sa isang proyekto. “Actually every project nga po gusto ko nga po na nag-workshop nga sana ako,” bungad ni Charlie.
Isang bagong proyekto ang pinaghahandaan na ngayon ng aktres kaya muling sumabak sa acting workshop. “May gagawin po kasi akong teleserye, nag-workshop din po ako. Kasi ang lagi kong iniisip na parang kada project, since bago po siya, kailangan po talaga mag-workshop at nawa-warm up po ulit,” paliwanag niya.
Aminado si Charlie na mas nakararamdam siya ng pressure ngayon sa bagong proyekto dahil na rin sa Best Actress award na nasungkit para sa pelikulang Fan Girl. “Honestly po, opo. Hindi ko nga po masyado iniisip na nanalo ako. Kasi ‘yon po ‘yun po ang napi-feel ko and napi-pressure po ako. So mas mina-mindset ko po ‘yung sarili ko na mas galingan sa ginagawa ko. Lahat naman po ng ino-offer sa akin maayos din naman po talaga. ‘Yon naman po talaga ‘yung goal ko, ang mahalin ko ang project ko kasi alam ko rin po na ako ang aarte doon. Hindi ko po hahayaan na maging pangit ang project,” pagbabahagi ng dalaga. (Reports from JCC)